Masama ang loob?
Siguro.
Naguguluhan? Nalilito?
Malamang.
Takot?
Sobra.
Pressured?
Syempre.
Alam mo ba yung pakiramdam ng mangga? Yung mangga na pinag-pipilitan nilang mahinog… Kahit alam naman nila na pag-pinilit ang hindi pa pwede… tsak. Hindi nila makukuha yung tamang tamis nito.
Akala nila hinog na. Tinikman.
Hindi Matamis. Hindi rin maasim.
Pangit ang lasa. Masagwa.
Anu pa ba gagawin nila? Syempre itapon na lang diba?
Sinu ang may kasalanan?
Ang tinderang ipinipilit sa mamimili na matamis ito?
Ang mamimili na bumili nito?
O ang pumitas ng kawawang mangga?
O ang mangga mismo?
Alin nga ba sa kanila? Nakakalungkot... ang gulo diba?
Sa totoo lang wala naman dapat sisihin.
Maaring ang pumitas… wala ng mapitas.
Ang tindera… gusto ng buena mano o gusto ng umuwi...
Ang mamimili… nagmamadali o… masyadong nag-tiwala.
Ang mangga? Kawawang mangga… wala ng magawa.
Sa buhay natin... naranasan mo na ba maging mangga?
Malamang lahat tayo naranasan na to.
Masaya ka… isa ka sa mga napitas.
Masaya ka... kasi kahit na alam mo na hindi pa tama ang hinog mo o hindi pa sapat na pitasin ka ay napili ka na ibenta.
Masaya ka... kasi isa ka sa mga pinagmamalaki ng tindera. Kahit na alam mo sa sarili mo na wala ka pang ipagmamalaki. Ni hindi mo pa kaya na patunayan na hinog ka pa. Kasi alam mo sa sarili mo na marami pang panahon bago ka mahinog at ibenta.
Masaya ka... kahit na alam mo kaya ka lang pinagmamalaki... kasi onti na lang ang paninda...
At bilang mangga? Pagbubutihan mo. Susuugin mo ang kaya mong suugin. Pipilitin mong mahinog kahit na alam mo sa sarili mo na hindi mo kayang ipilit na mahinog ka.
Dahil, alam mo sa sarili mo na ikaw rin ang makikinabang sa pag-hinog mo. [Ang daming hinog nun ah!]
Bilang mangga, wala kang alam sa mga nangyayari. Hindi mo masisi ang mga taong nakapalibot sayo. At muli bilang mangga... sisikapin mong hindi mapahiya ang pumitas at ang tindera. At matuwa ang mamimili.
Pero paanu kung hindi mo pala talaga kaya? Paanu kung... nagtapat ka na hinda ka pa hinog? O mas malala pa. Nalaman ng mamimili na mukha kalang hinog... hindi pa pala.
Huli na para antayin pang mahinog ka. Nabalatan ka na eh.
Hmmm... paanu na ang mangga? Paanu ka na?
Walang sisihan diba?
Bilang pumipitas? Naniniwala ka kasing matamis yang mangga
Bilang tindera. Wala kang rin magawa. Andyan na. Ibenta mo na.
Bilang mamimili... May tiwala ka na. Suki mo yan eh.
Bilang mangga. Andyan ka na. Ipagmalaki mo ang meron ka.
Pero, kung iisipin iba tayo sa mangga. Unang una sa lahat...Tao tayo.
Kaya bilang tao...
Pwede ka bang humindi?
Pwede mo bang sabihin na “SANDALI lang naman! Nakita mong pahinog pa lang eh!”
Pwede ka bang mangatuwiran?
Pwede ka bang manapak?
Pwede mo bang ipakita na mali ang desisyon nila?
Sagot dyan? Lahat ay hindi.
Hindi kasi hindi mo hawak ang desisyon.
Hindi kasi papasok kaagad sa isip mo ang mga sinusuportahan mo (kung meron man)
Hindi kasi tungkulin mo yan
Hindi kasi kulong ka.
Hindi kasi parati silang tama (sa paningin nila)
Pero...
Pwede kang humingi ng tulong
Pwede mong pagbutihan
Pwede mong hindi tularan
Pwede mong tularan
Pwede kang makinig
Humingi ka ng tulong sa mga taong nakakaalam. Sa mga taong alam mong hindi lang nagbubuhat ng sarili nilang bangko. Sa mga taong, hindi nagyayabang at handa ka tulungan sa abot ng kanilang makakaya. Hindi sa mga taong, mayayabang, maraming ngang alam pero madamot sa kaalaman o sa mga taong nagpapanggap na tutulong sayo… pero hanggang salita lamang.
OO libre tayong pagbutihan ang ating ginagawa. Libre tayong mangarap na kaya natin kahit hindi. Pero isang tanong lang… pwede kayang magkamali? Pwede kayang “mag-sorry”? Aba’t pwede! Pero syempre hindi mawawala ang sermon.
Syempre mamili ka ng tutularan. Tularan mo ang mga taong katulad tulad. Sila yung mga taong mahaba man mag-sermon pero may laman. Marunong mag-turo. Hindi puro salita. Marunong umintindi. Tularan mo yung mga taong naging mangga din… at ngayon puno na diba?
Ayun uulitin ko lang mamili ka ng tutularan. Kung naging mangga din siya... maraming alam... magaling, pero kung magmalaki naman sa sarili eh liliparin ka sa sobrang hangin... Pag-isipan mo muna... anu ba ang tutularan mo sa kanya? Ang pagiging mayabang niya? Pagiging magaling niya? O pareho? Ikaw na ang magdesisyon.
Libre din tayo makinig. Sabi nga nila mabuti ng makinig ka at makinig at makinig. Kaysa salita ka ng salita… o “dak-dak” ka ng paulit ulit… eh wala namang saysay. Walang nararating ang mga tiga-kinig mo. Makinig ka. Kasi dyan mo malalaman kung sinu ang dapat mong tularan at kung sino ang nagyayabang lang. Minsan maiisip mo... ang mga taong nakikinig sila ang magagaling.
Bilang mangga, hindi ka pwedeng pumili ng tindera. Hindi ka pwedeng umilag sa pag-pitas. Hindi ka pwede mag-tago sa mga mamimili.
Pero. Bilang mangga, nasa sayo ang desisyon. Kung nabalatan ka na ng maaga, may buto ka pa. Nasa sayo yun... kung gusto mong maging puno. Kung pinapahinog ka man nila... pilit man o hindi andyan ka na... galingan mo. Diba?
Masama pa loob?
Medyo ok na.
Naguguluhan? Nalilito?
OO pa rin.
Takot?
Sobra. Parati.
Pressured?
Syempre. Araw-araw.
Kaya pa?
Kailangan kayanin eh.
Inis pa?
Sa mga nagmamayabang… na wala naman naiitutulong… OO.
Naiintindihan na ba?
Sila? Medyo-medyo.
Mainit pa ulo?
Di na...
Masaya pa?
OO naman. Buhay pa. May pag-asa.
May baluktot na sistema. May mga ilang di –ayon sa baluktot na sistema. Gusto nilang baguhin ito. Gusto nilang ituwid. Ang mga ilan na ito ay ngayong nasa tamang posisyon para gumawa ng paraan. Pero sumunod lamang sa kurbang sitwasyon. Natuwid na nila dapat… pero baluktot pa rin. Bakit kaya?
Wala silang paki.
Nakikinabang na sila.
Wala silang magawa – eto ang pilit na pinaniniwalaan sa ngayon. Sana ito nga ang rason.
Pwede mag-karoon ng pag-babago. Mag-simula tayo bilang mangga.
Salamat sa mga kaibigang tiga-kinig. Salamat sa mga puno na aking tinutularan.
Kilala na ninyo kung sinu kayo.
