Home

Advertisement

Customize
Meryl Stryfe
04 May 2009 @ 09:11 am
Him  

My dream guy has a quick smile and a great sense of humor; in fact, he can make me smile really, really hard. He has enough confidence to walk with his head held high, and he has enough humility to ask forgiveness when he’s wrong. He is goofy, so he is willing to sit on the floor with a three-year-old. He is considerate, so He notices the girl who always sits in the corner by herself.

 

My guy has a romantic side that will bring him to my doorstep armed with a handful of flowers that he picked on his way over. He is intelligent enough to know what a preposition is, and he is gracious enough to explain its meaning to someone who doesn’t. He has a solid group of male friends, and more of them than female friends.

 

Now, since all of the things that I’ve listed so far are pretty noble characteristics, allow me to squeeze in just one superficial dream. My dream guy is about four inches taller than my five-foot-ten frame. (I have always wanted to fit snugly underneath my man’s shoulder. And call me shallow, but I just like wearing high heels.) OK, that’s it for the superficial stuff. Thanks for indulging me.

 

My ideal guy cherishes my purity and values me enough to wait for it. He doesn’t think it’s dorky that I’m planning a First kiss party. (After all, he gets to have the first kiss!) He is discerning, he is respected by his peers, and he remembers his mom’s birthday. He is a spiritual leader, and he seeks to be a disciple of his Lord.

He is quite the guy isn’t he?

-Saving my first kiss by Lisa Velthouse

 
 
Meryl Stryfe
07 April 2009 @ 09:44 am


Naguusap kami ng isang kaibigan sa telepono nung isang gabi. Sa dami ng pinaguusapan namin… primarily all about Miggy Montenegro at sa lablyp niyang deteriorating ay bigla niyang na itanong sa akin ito:

 
“Ren, Anu ang pinaka paborito mong lugar sa bahay niyo?”

Biglang naging pang-slambook ang tanong ni ate. Sa di malamang kadahilanan ay siya rin ang sumagot sa tanong niya.

Paborito daw niya ang kwarto niya. Tuwang tuwa daw siya pag nakahiga daw siya dito at nag-mumuni-muni. Nag-kakaroon daw siya parati ng epiphany. Dun daw niya naiisip ang mga bagay bagay. Katulad na lang daw ng pag-aasawa, panganganak at pagkaka-pamilya.

Humagalpak ako ng tawa. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit napaka-komplikado ng taong yan. Dahil pag nakahiga ako sa kama (at siguro dahil may katabi ako sa kama..), ang naiisip ko lang eh puro non-sense. Katulad na lang ng kwentuhan namin ng katabi ko tungkol sa mamang napaka-baho ng hininga na nakasabay namin sa pila.

 

 

Bukod dun, well  tama naman si ate. Marami kang maiisip pag-nakahiga ka sa kama. Nangunguna sa listahan ko ay : Sana pag-gising ko sabado na.

 

 
So siyempre, naimbyerna si ate sa akin. At ayun, dahil nalaman na niyang hindi umiikot ang mundo sa kanya, tinanong niya ako ulit.

 

Anu nga ba ang pinaka paborito kong lugar sa bahay?

 


Siyempre. Yun na yung title ng post na ito.

 

Ang BANYO.

Kung iniisip niyo na malaki ang banyo namin, pwes hindi. Sadyang nahuhumaling lang talaga ako sa banyo…

Bago pala ako mag-kwento, pagkatapos kong sabihin na yun nga, banyo nga ang paborito kong lugar sa bahay… siyempre hindi siya tumawa. At humirit ng “Addik ka talaga Ren. Ang sama talaga ng utak mo”

 

Ayun. Binabaan ko siya ng telepono.





Joke lang. Tumawa na lang ako at ayun umikot na naman sa kanya ang mundo.

 

 Kaya eto, emo ako. Dito ko na lang ibubuhos ang kwento ko at ng banyo namin.

 

Mula pa bata ako, hilig ko na ang banyo. Paborito ko ang maligo. Siguro dahil sa banyo kasi, malaya ka. Ang deep diba? Hehe

 

Tama. Malaya ka. Hindi mo kasi iniintindi ang ibang tao. Dahil oras na ni-lock mo ang banyo, may sarili ka ng mundo.

Pero siyempre, nung bata ako… kasama ko pa kapatid ko maligo. At nakabukas lang ang pinto. Marami kaming laro ng kuya ko dati. Sa banyo, ang imahinasyon namin eh napakalawak. Hindi pa kami titigil sa paliligo hanggat hindi tatambad ang galit na mukha ng nanay namin sa pintuan. Nangungulubot na mga daliri namin eh ayaw pa namin magpatigil sa pag-tatabo ng tubig (oo wala kaming shower at kung meron man, bawal gamitin aksaya sa tubig)

Siyempre, tumatanda ako at nagkaroon na ako ng sariling shower time.

 
Dun ko napagtanto ang salitang privacy. Sa banyo, dun ako nakakapag-muni-muni. Eto ah. Prankahan na. Usually sa kaso ko, pag-tumatae ako hindi ko pinipilit. Kusa tong lalabas. Dun lang ako sa trono. Parang panliligaw… slowly… but surely hehe. Try niyo para gumaan loob niyo.

 
Naging hobby ko na rin ang kumanta sa banyo. Mapa-pangbirit man o rap nagawa ko na yan. Minsan… naisip ko na rin na medyo lakasan pa boses ko para naman marinig ng mga nasa labas kung gaano kaganda talaga

 

kaganda talaga ang boses ko – pag nasa banyo. Para di ako mukhang sirang plaka na : “Pramis! Sa banyo maganda talaga ang boses ko!”


Isa pang ikinatutuwa ko sa banyo ay pwede akong mag-exercise.



Literal na exercise. As in mag-sasayaw ka, kumembot ka, punch punch, kick kick. Dati kasi yung banyo namin eh medyo malawak kaya ayun libre ang magmukhang tanga basta makapagpawis.

 

Sa nilipatan namin na bahay, medyo maliit ang banyo pero mahal ko ito. Maliit man ito pero ang gusto ko dito eh mala sauna  sa inet. Uupo ka lang para tumae e nakapag-bawas ka na ng doble!

 

O diba may health benefits!

 
Isa pa sa aspeto na gusto ko sa banyo ay ang emo mode pag-gusto ko mapag-isa… mag-inarte o may kinaiinisang mga bagay-bagay… tumatakbo ako sa banyo. Dun kasi walang nakakakita… plus after mong mag-emote eh pwede ka na maligo diretso para di halatang nag-cry cry ka. O diba! Bagong teknik!

 

Sa banyo din ako nag-praktis ng mga speech ko.





Ayun. Na-share ko lang.

 

 

 

Sa banyo kasi, andun ang hubad na katotohanan. Nasa sayo na yun kung talagang mag-hihilod ka o hindi.   Maliligo o magwisik-wisik lang. Sa banyo, sarili mo lang ang niloloko o lolokohin mo.

 

 

 

 

Sakaling gumaling ako magluto at may pamilya na akong pinagluluto… maharil dadagdag ang kusina sa mga paborito kong lugar.

 

 

 

 

Ikaw? Anung paborito mong lugar sa bahay niyo?

 

At pramis makikinig ako.
 
 
Current Location: Opis
Current Mood: cheerful
Current Music: Nakatatak sa utak ko ang it's you ni jojo
 
 
Meryl Stryfe
19 February 2009 @ 06:50 pm
Na-miss kita bigla D salamat sa pagmulat sa mga mata ko :)

FEBRUARY 18, 2009

D: N...
N: D...
D: May problema ka?
N: Di naman sya problema.
D: Kelan mo ba pinroblema ang problema?
N: Kailan ka ba hindi naging technical?
D: Lalaki ba yan?!
N: Hindi. Bakla
D: Syet. After ko sa bakla ka napunta?
N: Teka... Prang 5 years ago pa tayo ah.
D: Teka... prang 5 years ka bago maka-move on ah :))
N: Kelan ka pa nagkaroon ng ganyang selp-konpidens?
D: Nung kinasal ako :)
N: Ah.
D: Uy nalungkot :(
N: Anu ba. Sa dami ng lalaki sa mundo. Bat ako magtitiis na magpaka-bitter sayo?
D: Hehe... uy imbitado ka. Tang*na pag di ka sumama... di ako magpapakasal :))
N: Sige di ako pupunta :)
D: Sige tatanan kita
N: Itanan mo sarili mo...
D: Suplada pa rin!

----

D: Uy, talk to me.
N: Uy.
D: Sinu yung na lilink sayo? yung Uy?
N: Hay... umiral na naman yang pag-seselos mo :))
D: Filingera!
N: Balita?
D: Eto pinipilit kang magkwento. May lablyp ka na?
D: Sa wakas! ;))
N: Ala.
N: Tsaka na pag-maganda na ako :D
D: Sige wag ka na magasawa :))
N: TALAGA!
D: Alam mo... May gusto tlga ako sabihin sayo
D: Take this as payong Ex.
N: Payong X? kelan kita naging ex?
D: Minahal kita diba?
N: Oo. Siguro
D: OO walang siguro
D: Minahal mo ako?
N: ... :P
D: Umayos ka.
N: Oo langya.
D: Tamo.
D: Makinig ka ha.
N: Game.
D: E2 ah...
N: Nu?
D: 1, yng pride m babaan m.
     2, Wag mo pa-iralin ang logic at circuits pgdtng sa ganyan. Wla kang mararating.
     3, Give yourself a break... have a kitkat :)
     4, Dress tas chucks? Anu ba!
     5,Tandaan: Consistent at totoo dapat.
N: Opo.
N: Teka... yang 4. Jan ka na-inlab sa akin :))
D: Oo nga. Pero for once in your life N. Magseryoso ka naman. Kahit sa porma lang :))
N: Mataas ba pride ko?
D: Di lang mataas. Ga-bundok sa taas.
N: Di' nga?
D: Nak ng tukneneng. Anu ba? Iisa isahin ko pa ba yung mga lalaking minahal mo na di mo man lang...
N: Lang? na anu?
D: Ewan.
N: Ok po.
N: Opo kuya susubukan kong magtino.
N: May tanong ako... Tanga ba ako?
D:Teka. Opo k ng opo eh. D p tpos.
N:Go!
D:6, Ndi pwede ang sabay-sabay. Kung ganun siya... Wag n.
    7, Wag masyado mag-padala sa emosyon.
    8, Wag mo kami lahatin...dinadaan m n2mn s logic at circuits.:))
    9, Oo. Tanga k. Lalo n ng binasted mo ko. :D
  10,Wala na ako maisip.
N: San naman galing ang 9? :o
D: Gusto mo i-copy paste ko yung usap natin dito? O gusto mo i-scan ko yung sulat na binigay mo sa akin?
N: Akala ko ba binurn in hell mo na yun? at wag na... baka di ko maintindihan ang cursive handwriting ko.
D: Haha... oo sinunog ko na nga pala yun.
N: Logic at circuits talaga.
D: Di' nga... sinu nga?
N: Wala nga.. wala pa ako nabubulag. :D
D: Baka hindi ka pa nabubulag.
N: Nabulag na ako ah. 2 beses na. :D Isa ka na dun
D: Ay uu nga yung isa diba yung anu...
N: T_T
D: Hehe... nga pala nu... nagkabunggo ang landas ninyo :))
D: Musta pala si kuya?
N: May iba na.
D: Tamo! Tamo!
N: Like duh as if I care no. ;))
D: Haaay...
N: Anu? in denial?
D: So may iba kang lalaki? ;))
N: Wala.
D: Ow c'mon
N: Gud nyt
D: Miss Sungit ka pa rin! Suplada!
N: Addik.
D: Nyt! :*

Miss you D... kaso di talaga ako makakapunta sa kasal mo. Enjoy ha! At nag-paalam naman ako na i-post ko ito :P
Ate C! Mahal kita. Friends na lang kami nito pramis! :D
Tags: ,
 
 
Meryl Stryfe
05 February 2009 @ 08:50 am
Natatawa lang ako na sinulat ko pala to dati... di ko sure kung para lang talaga makapag-sulat o talagang sinulat ko talaga na parang gusto ko ;))

May natupad kaya?

If I could have the chance to sweep myself from this hazardous environment…—of a life. I would..

Waaah… nakaka-LBM ang ganito frustration… ang hirap mag-aral in fairness. sana pag-nagtrabaho ako… wag ganito…hay.

I’m going to graduate late this year (hopefully SANA hindi ako madapa…pero parang)

So I have been discussing to myself what I want (not should) to be doing when I’m free from studying late (though it will be replaced of WORKING LATE.) and cramming from exams.

1. within this year: (what i want and what i want to do)

                                1. Hopefully I’ll recieve the gift i want to recieve for my birthday(simple lang yan… naPAKA obvious…
kung close tayo). ^_^;  - I recieved 3 long stem holland tulips... (salamat drew. wherever you are :))

                                2. Hopefully i can treat my friends for lunch on my birthday… if not INUMAN sessions sa bahay!!! bwahahahahahahahaha…-Hindi ata mangyayari ito

                                3. be in a place somewhere quiet… tapos dun ako magiingay. -Library ingay mode  hehe...

                                4. the freedom to choose… and FALL. -Wala pa den

                                5. Bike along the service road. or skate. -Mahal ko pa buhay ko.

                                6. Watch manny and erik’s fight all-over again.-Nagawa ko na ata to'

                                7. play my favorite on-line games without worrying of failing exams.-Uy pasado naman ako sa lahat... with O2jam and dota on the side :P

                                8. stay happy despite everything… (teka… parati naman ah?).-Parati nga!

                                9. Be with someone that all that person has to do… is listen. (teka… nagsasalita ah…hindi ung def.) - hmmmm... wala pa din

                                10. be an experienced human being… (gets?) haha..just joking. - matagal pa ata to... hehehehehe.... namiss ko tuloy mga tropa ko na ito lang pinaguusapan namin :))

what i want to do with my life:

1. Gusto ko mag-karoon ng STAMP ang passport ko. gusto kong makapunta sa: italy,rome. Jerusalem, Israel. Sa tokyo, Japan… new york, USA… madrid, spain… aaaat… Enchanted kingdom… (haha joke).. basta travel lang… hindi yung maarteng travel… yung me backpack ka lang… mala amazing race… kasama ang… -Nag-travel na ako sa Japan... Taiwan...un lang... tapos di pa rin kasama ang... AT maarte siyang travel :(

2. To have the chance to say sorry to the people I’ve hurt and neglected… (sorry tlga… I never meant to do those things…). -Naku... sa dami ata nila parang mahihirapan ako ;))

3. For the first time… (hopefully the last) have the courage to say ______–tagalog… to someone… haha… di ko pa nagagawa yan ever!!! sayang… baka di ko na magawa… I hate people saying that… (ung tagalog) but never mean them. -Kahit kelan wala pa akong nasasabihan ng "MAHAL KITA" yung seryoso. yung tapat. yung anu ako... hindi lasing :))

4. Drink and be lazy for once in my life. -Wala pa din.

5. eat creepy foods… hahaha.-hmmm... creepy na ba ang kuhol? ;))

6. sing in front of an audience and being applaused (kahit kabato-bato ang boses ko…)-Audience na ba sila amor?

7. Be with someone special (haha… nag-inarte) Tsaka na pag-maganda na ako :)

8. Die of old age… not of sickness.Prang gusto ko na atang sa sickness ;))

9. Have lots of children and lots of ‘apo’…Oh yes! Oh yes! wala pa din.. hehe tsaka na yan pag natupad na ang no. 7

10. Meet the ultimate being who created me… and loved me…infinitely.  -Pag natupad na ang no. 8

Tags:
 
 
Current Location: opis (magtrabaho ka nga!)
Current Mood: awake
 
 
Meryl Stryfe
28 January 2009 @ 12:40 pm
Alam mo ba yung pakiramdam na gulong gulo ka na? yung hindi mo maintindihan kung san ka mapapadpad?

May dalawang balon. Yung isang balon, maganda. Nakikita mo yung nasa dulo... Matiwasay. Maayos. May kulay. Pakiramdam mo, ayos ang lahat. Walang gagambala sayo. Constant ang flow ng positive energy. Wala kang dapat isipin. Nakikinita mo na ang masayang future ahead.

Yung isa naman, medyo nakakatakot. Mausok. Madilim. Parang pag-talon mo kakainin ka agad. Malakas ang enerhiya dun. Kahit alam mong madilim... gustong gusto mong tumalon...

Nag-karoon ako ng pagkakataong magkaroon ng sandaliang preview dun sa magandang balon. Napaka-saya ko. May tao dun... parati ko kausap, mabait... may puso... naranasan kong ma-pamper. Pero dahil preview, kung gaanu kabagal para makapunta ako sa balon eh ganun naman kabilis yung paghugot sa akin pabalik sa taas...Reverse bunjee jumping ika-nga.

Nag-request ako ulit, gusto ko bumalik, preview lang hiningi ko... gusto ko lang sabihin dun sa tao na antayin niya ako... at sasamahan ko siya dun. Bumalik nga ako, di ko alam kung bakit parang 100 taon ang lumipas... hindi na kasi niya ako natatandaan eh nagkausap lang kami kanina. Nakakalungkot. Mahal ko pa naman siya. Akala ko mahal niya ako. Mali pala.

Syempre preview eh edi lubos lubusin ko na... nagkausap kami. Ako? may spark pa rin sa akin... pero siya parang wala na... Nasaktan ako. Hindi ko alam kung anung ginawa ko para mag-kaganun. Siguro dahil para sa akin, movie...sa kanya... preview lang... madaling kalimutan kasi kulang kulang. Sa akin kasi... sa preview na yun minahal ko siya.

Nag-usap kami ng parang wala lang. Inaantay kong hugutin ulit ako... ang bagal ng oras... Tinamad na ako mag-antay sa mga sasabihin niya. Wala na ako lakas mag-tanong. Sawang-sawa na ako.

Nang makabalik ako sa kinatatayuan ko, di ko namalayan yung isang balon sa tabi ko... Kahit ata preview dun ayoko ata... pero kakaiba... hindi ko alam kung may ilaw dun kahit maliit lang... o guni-guni ko lang... binibigyan ko ng rason sarili ko para di' tumalon... pero naakit ako.
Nag-request ako ng preview. May nakilala ako dun... wala lang... normal pero iba eh... pero dahil rational ako... naisip ko, kung sa magandang balon nga nasaktan ako... dyan pa kaya? Ayoko na uy!

Pero bakit ganun? ang gulo talaga.

Ikaw? Nagulo ka rin no?

Payapa mundo ko kung tatayo na lang ako sa gitna... pero walang mangyayari kung di ako tatalon...

May tutulak at tutulak sa akin... pero nasa sa akin pa rin ang desisyon diba?
Ang gulo talaga... nakaka-praning.

Dito muna ako sa gitna... baka sakaling isa dun may humila sa akin pababa...

Kung wala... baka madapa na lang ako sa bagong balon.


SANA.



Tags:
 
 
Current Location: opis (magtrabaho ka nga!)
Current Mood: confused
Current Music: 6 months - Hey Monday
 
 
Meryl Stryfe
01 January 2009 @ 11:23 am

Anu nga ba ang nangyari sa akin sa taong ito? Anu nga ba ang nagbago? Magbabago? Mga pagkakamali? Sa totoo lang hindi ko rin alam eh. Basta ako eh buhay pa, malusog at humihinga… ayus na sa akin… Nagpapasalamat ako.

Napilitan ako gumawa ng year-end report ng buhay ko para mabalikan ko yung mga mabagay na dapat kung alalahanin at gamitin sa susunod na taon.

JANUARY.

Ah ang buwan ng Enero. Ang unang buwan ng 2008. Masaya ako ng unang hati ng buwan na ito. May onting hang-over pa ako niyan nung nag-punta ako ng Taiwan. Sobrang saya ng naging karanasan ko doon. Siguro dahil sa ayos ang mga taong nakasama ko (kahit hirap na hirap na ako mag-ingles) at sossy ang tinuluyan kong hotel (Grand Formosa Regent Taipei). Medyo nag-imagine  na ako na pag-tumanda ako ay i-kwento ko ito sa mga magiging anak at apo ko (kung mag-aasawa man ako), kung gaano kataas ang Taipei 101, kung gaano ka-baho ang kakaiba nilang tofu at kung paano sinayang ni Lola ang $50 NTD para lang ibigay bilang tip sa gwapong bell boy  na nag-akyat sa gamit niya.

Balik tayo sa Enero, sa pangalawang hati. Dito ako nag karoon ng bagong proyekto at nagkaroon ng ilang mga gawain. Dito rin ako nagkaroon ng kauting kaba ng nalaman kong isa sa mga hinahangaan kong tao ay nagplaplano ng mag-iba ng kumpanya…

Pero siyempre hindi rin maiaalis ang pagiging excited dahil sa pangalawang hati ay matatanggap ko ang sweldo ko sa buwan na ito (Wuhu!)

FEBRUARY.

Dumating ang Pebrero.  Ang buwan ng mga puso. Ang ang araw na ikinasasaya ng mga katulad mong in-lab at ang araw na normal lang para sa aming SAWI (Single At Walang Iniintindi). Dito rin ako nakapag-munimuni na malapit na pala ako mag-isang taon sa kumpanyang pinapasukan ko. Half-way na sa finish line. Hindi ko alam na sa susunod palang buwan ay bibigyan ako ng isang kagimbal-gimbal na balita. Merun din pala akong bagong proyekto ng buwan na ito. On-going/On-schedule

At syempre sino ang makakalimot sa sweldo (Wuhu!)

MARCH.

Dito naging isa sa mga point of no return para sa akin. Nangangarap sana ako na mag-ibang field ( dahil pinangakong pwedeng lumipat pagkatapos ng isang taon) pero hindi nangyari iyon. Pareho pa rin ang field pero ibang pwesto. Ikinalungkot ko ang pagbabagong ito. Nawalan ako ng napaka-galing na 先輩, at maraming trabahong naiwan para sa akin. Iniwan man ako ng  先輩 ko, binigyan naman niya ako ng bagay na hinding hindi ko makakalimutan at maharil ito na ang una at huli kong mararanasan… ang oportunidad na mapuntahan ko ang bansa kung saan nang-galing ang grupong Arashi, Glay, Dragon Ash, Remiorem at ng mga gusto kong mang-aawit na sila Utada Hikaru, Crystal-Kay, Chemistry etc. Dito ko rin masusubukan ang mahigit isang taon kong pinagaaralang lengguwahe. Tignan naten.

Dito ko natutunang kahit gaanu man kadami ang plano mo sa buhay, ang DIyos pa rin ang masusunod.

At syempre sweldo para sa buwang ito. (Sweldo… wuhu! Sweldo! )

Dito ko rin nalaman, problema man o magandang bagay na nangyari, pareho lang yang biyaya. Tanggapin natin ng buong puso at tapang (naks!)

 

APRIL.

Abril ng 2008. Hinding hindi ko ito makakalimutan. Wala man akong naging handa nung kaarawan ko, at onting tao lang ang nakaalala na tumanda ako (Hello sa mga nakaaalala.. alam ninyo na kung sinu kayo.. at kay pormer special somebody…), eh binigyan naman ako ng DIyos ng isang napaka-gandang regalo.

Ang makita ang tatay ko.

Good news. Mali ako. Mali ako ng isiping kasama na sa federasyon ang tatay ko hehehe. Maraming MMK moments at maraming sikretong naisiwalat. Ang bersyon ng storyang hindi namin alam… Ilang iyak pa at katatawanan… natanggap ko rin na may tatay pa ako. Kahit dati eh panay galit at himutok lang naiisip ko sa kanya.

Doon ko din nakilala ang ilang mga taong hindi ko makakalimutan sa kabaitan nila. Hindi ko makakalimutan ang tulong at pangunawa Miss Riza…

Sa bansang ito rin ako nakakita ng ilang mga taong kasing addik ko… na marahil medyo namimiss ko na… kilala na ninyo kung sinu kayo.

Balik tayo sa tatay ko (pagpalagay niyo ng special episode ito ng buhay ko… kailangan medyo mahaba). Naalala ko na ikinuwento ko ang mga Daddy bonding moments ko sa mga ka-opisina. (kilala niyo kung sinu kayo… o kung naaalala niyo pa… ang niluha nung isa… at hagulgol ko habang nagkwento ako hehehe)

Doon ko nakita ang hirap ng pagiging bilog. Doon ko nakita kung gaanong hirap ang mawalay ka sa mahal mo sa buhay. Anu pa kaya yung mahigit 10 taon diba?

Tatay ko, niloloko ko nun. Nag-eemote kasi… hindi man lang daw niya naranasang buhatin ako… maalagaan kami. Sabi ko willing ako magpabuhat eh… tinawanan lang ako… ni walang offer…

Alam mo ba yung, handa kang magalit, praktisado ka kung  anung sasabihin mo dun sa taong galit na galit ka? May script  na ako nun… hindi ko lang ata memorized.

Sa tulong ni Ms. Riza, nahagilap ko ang tatay ko pagkatapos ng 2 linggo. Akala ko tinataguan ako, yun pala kinokontak na rin ako.

Nag-kita naman kami. Nakakainis nga lang… para kasing walang pinagbago sa picture. Gwapo pa rin (iba talaga lahi namin hehehehehe), mukhang hapon. Pero siyempre may onti ng wrinkles.

Anu nga ba sasabihin ko? Nakalimutan ko na. Basta yumakap na lang ako. Tapos siyempre, kumain kami. Parang  long time no see moment lang. Kamustahan.

Walang emosyon. Civil.

Dumating ang onting panahon, tamang tama wala siyang trabaho. Dun siya sa bahay muna. Ayos. Nag-mukhang bahay yung bahay ko… (hindi ko akalaing ganun kasinop ang tatay ko! Pati damit ko ayos ang tiklop eh!) sarap ng pagkain tuwing umaga.

Ok na ang lahat, kung baga, wala ng bakit basta forgive and forget kaso nanay ko may himutok pa rin hehehe. Ng tumawag ang itay eh ayun nag-abot. Siguro nanonood nanay ko ng MMK nun kaya nakisabay sa drama.

Pag-uwi ko galing trabaho (naligaw pa ata ako nitong panahon na ito), aba’t wala si Itay. Aba’t pag-uwi eh lasing ang lolo mo! Pero umiiyak. (Diba MMK talaga?). Yumakap tapos tinitigan ako… siyempre para medyo may ice breaker eh humirit na lang ako ng “Lashing ka ba?”

Umiyak ulit.

Sabay sambit ng Gomene…. Ng pa-ulit-ulit.

Nag-usap kami ng taimtim.

The rest is history ika nga.

Kung magiging MMK  episode ito… gusto kong title ay… BEER.

May natutunan akong mahalaga sa nangyaring ito.

Isa pala akong malaking duwag. Lakas ng loob ko magpraktis ng script di ko rin pala kaya. Takot pa rin.

Takot ako mag-tanong, mag-labas ng galit, humingi ng tulong (kaya naliligaw) at mag-tapat.

Siguro kung natuto lang ako mag-tanong, marahil mas napapadali ang trabaho ko, gagaan ang load, at malalaman kung anu ba talaga.

Kung natuto lang ako mag-labas ng galit, siguro mas less stressed ako.

Kung marunong ako humingi ng tulong, at hindi ako duwag malaman ng ibang taong hindi ko alam… eh di’ sana sa huli… hindi doble ang kahihiyan.

Kung nakapag-tapat sana ako ng nararamdaman ko… at nagpakatotoo lang… e di’ sana… teka tama lang palang duwag ako nito… hehe… atleast hindi ako na-biktima… (babaero~~~~) – pero mali to’ kaya siyempre dapat baguhin… baka poreber naman akong S.A.W.I niyan hehe.

 Teka... nakalimutan ko... doble ang sweldo ng buwan na ito hehehehe (Sweldo! Sweldo! hehe)

<To be continued…>

 
 
Meryl Stryfe
08 December 2008 @ 10:00 am

Notes: Sorry na… dulot  siguro to’ ng mga gwapong  bampirang (mukhang tumitira ng isang bote ng met  na kumikinang sa araw (literally! as in!))… Gaya-gaya man, emotera, ilusyonada, atbp. Wala ako keber. Karapatan kong magsulat dito kahit corny. Sorry na rin sa mga mali-maling tenses at wrong grammar ha... :D babalik din ako sa dati pag naka-recover na ako

I don’t have a plan. I don’t even bother making one. It was an easy job taking care of children.

They call me a lot of names. Mostly, when they get to see me, playing with them in their dreams, little girls call me their prince. Knight in shining armour. Funny some boys also call me the same.  I just love them. I would do anything just to protect them.

But then, you gave me this job. This job at first I never wanted actually. I took this as a challenge.

You told me to guard her. You told me to be with her at all times. I was expecting that she was this home-wreck little girl. But I was wrong.

She was… totally typical. So I asked myself, what you want me to do… actually.  She was never a Satanist, not an Atheist. She loves you actually. In fact, She calls to you every night.

As I said she was a typical human. She makes mistakes. She gets jealous. She gets envious. She tends to get what she wants… whatever it takes. But the problem with her is.. what? I didn’t get to see that.

I tend to meet different people in her dreams. In fact, every night there’s a different cast. Would you believe that she actually wants somebody’s husband? And to think that this… “Brad Pitt” is almost 10 years older than her.

She wakes up 5 in the morning just to spend an hour in the bathroom… singing.

At work, she thinks of a lot of things. She tends to just think of her life 20 years from now, and then suddenly she’s thinking of passing by Mc Donald’s for a take out. She worries a lot about how she weights. Occasionally, she thinks of working out then just decides on sleeping on weekends. She gets too pre-occupied in thinking about a lot of things that eventually people thinks she’s delusional.  Her mind is as disorganized as her closet!

Frankly, she’s a very nice person, no matter how evil her thoughts was, she still manages to make it through the day without killing her boss. She makes a shrewd joke that gets somebody hurt. But I know she feels bad about it. I know you know that.

She has the ability to sleep instantly when a meeting just has started. She is deprived of individuality, she buys things she saw on the television and magazine…

she is fond of saying “yes” when she really wants to say  “no”. Also, she gives up easily. She doesn’t want change. If it is possible,  she’d like to wear her favourite shirt-pants-sneakers ensemble every time.

She feels she is no good for anybody.

She hates crowds.

She has this habit of sniffing.

She is very lazy.

She keeps her thoughts to herself.

She adores kids.

You know what she prays about every night right? She always wants a person who makes her excited to wake up every morning and looks forward to seeing at night.

Does she really need to get married at her age? I mean, she’s only 31! She needs to wait for somebody… you know, this person that you’d eventually let her meet.

I know, I know… I’m not here to question you… but I really don’t know what I’m feeling.

So probably that is why you called me here… right? Sorry… I know this is not the way we do “things” but I just got too fond of her… I know I should’ve not interfered…

But is it true? Is she… really going down there?

I know I was really… really wrong... but…

She makes me feel happy… I mean… you know how I feel. You feel it too right?

All she was just asking you... were to give somebody for her… it was so simple. So why do you keep giving her the wrong person?

Not that I don’t like it here. But then, I can’t be with her here.

So I would just like to ask this simple request. Just this single request…

Can I trade in my wings for Humanity?

 

Hehe… dulot  siguro ng puyat ito :P

 
 
Current Location: sa kwarto ko ito ginawa..
Current Mood: indescribable
Current Music: yung i hate how i love you ni rhianna at ne-yo...
 
 
Meryl Stryfe
14 November 2008 @ 08:46 am

Bakit tayo mahilig sa makikinang  na bagay? Bakit mas tipo ng mga babae ang gwapo? Bakit mahilig ang mga lalaki sa boobs? Bakit may pumapatay? Bakit mas gustong maniwala ng mga bata kay Santa Claus kay sa matuwa na sa nalalapit na pasko ay ipagdiriwang natin ang birthday Niya? Bakit mas gusto ng mga bata ang konsepto ng Easter Bunny kaysa sa konsepto ng pagkabuhay  Niya – na namatay din dahil sa atin? Bakit mas gusto natin magbakasyon kaysa mag-dalamhati at makiramay sa pagkamatay Niya? Bakit sa ibang tao, ang pagsisimba ay parang isang routine? -  na katulad ng iniisip ko tuwing linggo…

Hindi ko kailangang sagutin yang mga tanung na yan. Dahil ako rin hindi ko alam ang kasagutan. At kung sasabihin ko naman ang kuro-kuro ko ukol dito… hindi ko rin maiiwasan ang makulay na interpretasyon ng mga tao…

 

Pero…

 

Bakit mas madaling pagusapan… over coffee  ang buhay ng ibang tao? Bakit mas kritikal para sa atin ang mas makilala ang ibang tao… kaysa sa Kanya?

 

Ang dami ko pang bakit. Pero, hindi ako hypocrite  para magmalinis ako. Sa totoo lang may ilan lahat dyan na alam kong ginagawa ko.

 Naiinis ako sa mga taong gumagawa ng mali. Sa parehong feeling  na ok ako  sa pakikinig ng chismis.  Naalala ko ang konsepto ng surveillance camera- pero yung sa Kanya? Kakaiba… may subtitles – lahat ng tumatakbo sa isip mo nakasulat dun. Paanu kaya yun? Paano kung namatay ako at hindi ko kailangang magsalita… ngingiti lang Siya at sabay naming papanoorin ang buhay ko… katulad lang ng panonood ko ng House, Ghost Whisperer at Ugly Betty. Marahil …Boring ito. May suspense… May comedy… Minsan siguro mapapahiyaw ako sa mga ginagawa ko, matatawa ako sa sarili ko. Minsan maiiyak… pero palagay ko… bawat episode… mahihiya ako. Mahihiya ako sa makikita kong ginawa ko at inisip ko… yung masasama… yung masasaktan Siya

Bakit mas gusto ng taong magmukhang mabait sa harapan ng ibang tao… kaysa maging tama sa paningin Niya?  Sa parehong paraan ng pag-aakala natin na gumagawa tayo ng mabuti at hangaring malaman ng iba kung gaano tayo kabait.

Doon siguro papasok ang pagiging plastic- isang termino na ginagamit sa mga taong ningas kugon ang pakikitungo sayo. Sa mga nakasalamuha kong tao, hindi ka makakakita ng ganyang tao na masama ang pakikitungo sayo…. Pero may kanya kanyang rason at hangarin. Nasa sayo ang interpretasyon kung anu sila para sayo. Kung totoo ka… maganda yun. Kung nagdududa ka sa pakitungo nila… marahil plastic ka din.

Pero paano nga kung makakasama at makakausap mo na Siya? Paanu ka makikitungo sa Kanya na may subtitles sa bawat iniisip mo?

Bakit may ibang tao na sa sandaling na konsesya sila at nagmuni-muni sa mga pagkakamali nila… mangangakong di uulit pero makalipas ang ilang panahon eh uulit ulit? Sapol yang ideya na yan sa akin. Ang salitang sorry ay sobrang gasgas. Kung susumahin kung gaano kadaming  sorry na ang nasabi ko hindi ko na mabilang. Marahil… hindi ko namamalayan yung  sorry ko sa Kanya… eh plastic na pala. Nakakaiyak isipin no? Mas natatakot tayong umulit sa isang kasalanan, matapos natin magsabi ng sorry sa isang taong nasaktan natin… Pero sa Kanya... ang sorry natin parang labas sa ilong… parang pag-sisimba na routine lang. – [Sinulat ko ito… pero sobrang sapol ako…]

Promise. Isa pa sa salitang gasgas. Madalas silang magkasunod eh. Sorry na… di’ na ako uulit… Promise. Ang sakit isiping ginagawa ko to… Sa Kanya.

 

Bakit ang tao hindi kuntento? Bakit marami pa rin ang naghahangad ng mas mataas? Bakit kailangang humila ng mga tao pababa… keysa sabay kayong umangat? – Hindi ko rin alam… pero ang hirap pigilan ang sarili mo… papasok din ang tanong na… Kailan ko malalaman kung tama na? Nature ng tao o hindi… ganun talaga tayo.  Pero  baka kung sa Kanya mo tatanungin yan, baka ibalik niya ang tanong…

Bakit mo pa hinihintay na kunin ko lahat sayo bago mo ako sundin? Bago ka sa akin lumapit? Bago mo ako kausapin?

Pero knowing  HimWalang bakit…. Walang salita. Tatanggapin ka Niya.

Ang sakit isipin na sa mundo ngayon, gumawa ka ng mabuti sasabihin nila plastic ka.

Masakit isipin na niloloko ka ng asawa/kasintahan mo… mag-sosorry… mangangako na hindi na uulit pero babalik pa rin sa dati makalipas ng ilang panahon.

 

Pero kailangan ba tayo biglang nag-isip at inimbento ang salitang plastic o ningas kugon? Saan ba nanggaling ang ideya na may mga taong hindi natural ang maging mabait? Sinu ang nag-pauso ng mga mura na ginagamit natin?  At bakit in ngayon ang pag-gamit nito? Sinu ang nakaimbento ng pag-dududa? Sinu ang nag-pauso ng pag-dududa sa ugali ng isang tao?

 

Sa panahon natin ngayon, hindi  mo na masasabi ang tama sa mali. Pero bakit madaling Makita ng tao ang in at hip sa laos?

Marami  tayong bakit.

Pero sa dami ng katanungan iisa lang ang makakasagot niyan.

Siya.

 

Sorry di’ na ako uulit… Promise.

 

Advance Happy Birthday DUDE. Love you.

 

 

Tags: , ,
 
 
Current Location: sa bahay ito ginawa
Current Mood: distressed
Current Music: wala, pero nung ginawa ko to kanta ng Planet shakers :)
 
 
Meryl Stryfe
04 November 2008 @ 02:33 pm
"Sulat Ito [Di' nga!]"

Paano nga ba tayo nag-kakilala? Naging magka-close? Hindi ko na tanda.
Pero iisa lang ang ideya kung saan nag-katagpo ang mga utak naten.
Lalaki.

...mahilig tayo sa lalaking pasok sa depinisyon natin ng "guapo".
(e.g. Ryo Nishikado, Chris Tiu at iba pang mga lalaki na malayo sa kaisipan nila na may
neri at sche na nabubuhay sa mundo)

Sa aspeto ng gwapo, dun ko nalaman kung gaano ka-labo ang mga mata mo. May mga pag-kakataon na pinaasa mo ako sa mga nakikita mo... Isa lang maipapayo ko.

Mag-salamin ka.

Hindi man natin makamit ang mga itsura ng mga minimithi nating mga lalaki... Umaasa ako na balang araw... magagawa natin ang imahinasyon natin habang kinakasal si Murakami-sensei... (ipapaalala ko... yung "Kung iisipin mo... balang araw... may neri at sche na ganito ang pag-uusap blah.. blah blah...")

Usapang lablyp, salamat sa 1000 pesos (he.he.he) salamat sa pakikinig. Salamat sa paniniwalang mag-kakatuluyan kami ni 1k guy na hindi natuloy... thus nanalo ako sa pustahan natin. Ang dami kong nagawa sa 1k na iyon.  :)

Salamat sa pag-kwekwento mo ng mga buhay pag-ibig mo. At sa pakikinig sa buhay pag-ibig ko...

DATI.


Salamat din sa pag-papaalala mo sa akin na hindi lang ako ang nandidiri at nagsisi sa mga pa-tweetums memories na pinag-gagawa ko nung highschool at college. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin... bakit ang arte arte ko nun (e.g. Baby-talk, text wan to sawa - na pinag-uusapan ninyo ay ang ulam ng isa't isa etc...)


May mga hindi tayo magandang karanasan sa buhay pag-ibig natin. At dahil dun, nag-level up ang tingin naten sa pag-ibig. Nahaluan ng pagiging-praktikal.

Ako: "Uy guapo"
Ikaw: "May pera si kuya..."
Ako at ikaw: "Pwede"



---

Malayo na ang narating mo. Wala ka pang 30, pero ang dami mo ng pagsubok na nalampasan katulad ng mga work related problems, lugar na napuntahan katulad ng macau at achievements, katulad ng successful mong spicy chicken wings.

Sa totoo lang isa kayo sa mga hinahangaan ko. Iba ang professionalism ninyo ni Miss J sa ibang mga nakatrabaho ko as of now. Hindi ko makakalimutan ang "she-mode" na alam kong "norman-mode" talaga.

Isang malaking kawalan sa industrya ng showbiz IT sa Pilipinas ang pangingibang bansa mo... o ang pangingibang kumpanya mo. Pero dahil bilang professional na mga nilalang... ay kailangan kong magpakatatag kahit na mawawalan ako ng isa sa mga naging tunay kong kaibigan...sa showbiz kumpanyang pinapasukan naten.

Oo. Hindi ako ang taong nakasama mo sa limang taong ginugul mo sa kumpanyang pinapasukan naten.

Oo. Dahil mahigit isang taon lang ang pinagsamahan naten, hindi ko alam ang before at after itsura mo nung bumalik ka galing Japan... o ang mga pinagdaanan mo upang marating mo ang posisyon mo ngayon.

Pero. Salamat sa tiwala. Ng gabing nag-kwento ka tungkol sa mga pagsubok na pinagdaanan mo.. personal man o showbiz work-related nakwento mo... alam ko na dahil sa defense mechanism, hindi ko na-ipahayag ang tuwa at pagka-touched ko pero hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ng ikinuwento mo yun.

Feeling ko nung panahon na yun... ay super close tayo. :)

Speaking of close... Eto yung mga unforgettable moments na alam ko na-close na tayo he.he.he:

- Ang C.R. moment... na sobrang tinawanan ko... pero sobrang natouch ako... kasi mas naging close tayo :))

- Ang overnight moments... sa bahay... na kung saan lalo nating kinapuyat.

- Ang prutas moments... hindi man natin makita ang bulok sa hinog lang

- Ang poot/galak moments. Ang pag-kwekwento ng mga karanasan na masaklap at mga jologs/comedy moments sa pamilya o sa pang-araw araw na buhay.

- Ang papakilala mo sa amin kay madel at norman... ang DID mo. :P


Kung bibilangin ko ang mga taong naging mahalagang parte ng buhay ko sa kumpanya naten, mabibilang sa daliri. (Miss R, Miss J, Sir A, Ikaw, Rhoda atbp.) Pero kayong lahat.. ang mga taong hindi ko makakalimutan... kahit na lumisan na rin ako balang araw.

---

Magpapakaprofound ako:

I cannot forget ang realizations and pessimistic ideas we often talk about when we are together. If ever I get to remember some of those... I am asking permission now, If I can miss you (eeew... ang cheesy...)

One of the most funniest and most serious (?!) recent conversation we had that I think nobody cannot understand is this:

Ikaw: may ipapabasa kong article na sinulat ko khapon
Ikaw: tungkol kay "norman"
Ikaw: send ko sa mail mo
AKo: si norman at madel ay iisi...
Ako: iisa..
Ako: hindi mo lang pansin.
Ikaw: si madel ay maligaya
Ikaw: si normal ay emotero
Ako: si madel ay ang past buhay
Ikaw: tpos naging si norman
AKo: nung nasanay ka na, ginawa mo si sche.
Ako: in short... hindi totoo si sche
Ikaw: naks  profound analysis
Ikaw: oo nga e
Ikaw: tsk tsk
Ikaw: i mean,, ung ibang taong may ibang personality  based sa aklat na nabasa ko
Ako: pero yun nga... wala naman kasing definition ng taong nasa tamang katinuan
Ikaw: korak!
Ikaw: malay mo ang tama pala e ung mali *


Syempre alangan naman ilagay ko dyan ang gist at ang mga detalye ng mahabang balitaktakan na yan... Kayo na lang ang mag-isip kung anu ang pinag-uusapan namin...

---

Emotera ka man... Filingera... Suplada at masungit. Hindi ka namin makakalimutan.

Paulit ulit mo man sabihin na "Plastic" ka... isa ka pa rin sa mga taong totoo para sa akin :)

Marami pa ito... pero sa susunod na lang... hehe..


Goodbye.... forever... (hindi totoo yan.. ginaya ko lang si Phoebe hehe)

 
 
Current Location: Office
Current Music: Wala
 
 
Meryl Stryfe
31 October 2008 @ 04:24 pm
Gitarahin natin!

Insert Standard Disclaimers!

Ilang paalala, kung sakaling kakantahin... duet ito... [DUET] boy-girl duet - pero pwede din kung pareho kayong lalaki basta may tendencies ang isa sa inyo... :P preferably mas cool kung yung babae ang nag-gigitara habang kinakanta ito :P

"Pare ko"

Lalaki:
Pare ko meron akong problema
Babae: Wag mong sabihin na naman...
Lalaki: In lab ako...
Babae: In lab na naman?!
Lalaki: sa isang kolehiyala
Lalaki at Babae : Hindi ko maintindihan

Babae: Wag na natin idaan... sa ma-boteng usapan... Lalo lang madaragdagan ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan...
Lalaki: Anong Sarap...
Lalaki: Kami'y naging mag-kaibigan...
Babae: Nawalan ako ng pag-asa...
Lalaki: Yun pala... hanggang dun lang ang kaya...
Babae: Akala ko ay pwede pa...

(Refrain)

Lalaki at Babae: Masakit man isipin... Kailangang tanggapin...
Babae: Kung sinu ang minamahal mo... sila ang di... pumapansin...

Chorus:

Sabay: O, Diyos ko!... Anu ba naman ito...  diba? lang hiya... nag-mukha akong tanga...
              Pinaasa niya lang ako...
              Umaasa na lang ako...
              Lecheng pag-ibig to..oh oh oh...
              Diyos ko... anu ba naman... ito...

Lalaki: Sabi niya ayaw niya munang magkasyota
Lalaki: Dehins ako naniwala...
Babae: Sa akin ok ka naman...
Lalaki: Di nagtagal naging ganun na rin ang tema... Kulang na lang ay sagot niya
Babae: Bat ba ang labo niya ... Di ko mapinta
Lalaki: Hanggang kelan maghihintay ako ay nabuburat na
Babae: Pero mahal naman kita... ah.. ah... ah.. Di biro...
Lalaki: T.L. ako sa kanya
Lalaki: Alam kong nababaduyan ka na sa mga sinasabi ko... Pero sana naman ay maintindihan mo

Babae: O pare ko... ito ang aking payo...
Babae: tumigil ka na ha... ok lang?
Babae: Pagod na ako... sa pakikiramay...
Lalaki: Andito ka ay ayos na...

Nag iinarte ang nag-post pagbigyan niyo na... hehehe






 
 
Current Mood: contemplative
Current Music: pare ko
 
 
Meryl Stryfe
13 October 2008 @ 12:28 am

 

Ang blog ay isang pamamaraan para maipahayag natin ang ating mga saloobin. Hindi man ito maka-apekto sa buhay ng babasa o maka-apekto man… wala akong care nyahehehehe

 

Kaya ko lang isusulat ang mga bagay na ito eh baka kasi makalimutan ko:

Pinagsama-sama ko lang ang mga realidad na natutunan ko sa iba’t-ibang tao at ilan dito eh personal kong natutunan…

1.       Matuto tayong kumilatis ng kaibigan. [refer  na lang kayo sa isang entry ko]

2.       Hindi sayo umiikot ang mundo. Get a lyp!

-          Elaborate ko lang. Lahat naman tayo may mood swings [at oo walang exemption dito] o bad trip days. Pero wag na wag mong idadaan sa sama at galit sa ibang tao. Tanggapin man natin o hindi… Malaya naman talaga tayo mag-sungit eh. Basta ako mag-sisimulang mag-pigil. Counted din ang magtaray at mag-sungit pag ikaw na ang target ng jokes. Pero basta ako… pipilitin kong mag-pigil… mahirap ng mabaril… dahil lang sa kasungitan.

-          Isa pang ibig sabihin nito eh… wag mo naman isipin na ikaw ang pinaka-importanteng tao sa mundo. Hindi sa lahat ng oras kailangan kang unahin… At hindi sa lahat ng oras parati kang tama…

3.       Matuto tayo magpakumbaba. Be hambol!

-          Sabi nga ni Bob Ong. Mahirap mag-kwento sa ibang tao ng hirap mo… para kang humahalik sa sarili mong pwet at nagsasabit ng sampaguita sa sarili mong leeg. Sa totoo lang pwet ko naman yun… kaya kung pwede why not? [Literally]. Pero tama nga naman kasi. Hindi naman ata tama na ang pinag-uusapan niyo eh buhay niya… eh bigla mo nalang ikinuwento kung paano ka naka-bangon sa pag-kakautang. Babalik tayo sa pangalawa niyan eh. Get a lyp dude! Get a lyp!

4.       Mas masayang iba ang napapasaya mo kesa sarili mo.

-          Eksampol. Mayaman ka na! Pero ikaw lang ang nakikinabang. Wala kang kasabay sa pag-kain.

-          Eksampol. Ibili mo ang magulang mo ng bahay at lupa… Umiyak sila sa tuwa – Priceless. [Isa yan sa pangarap ng bawat taong nakilala ko. Kung isa ka dun. At Kilala mo ako… OO isa ka sa mga tinutukoy ko ]

5.       Hinding hindi mawawala ang problema at pagkakamali.

-          Hindi mawawala ang problema at pagkakamali. Kasing liit man ito ng sirang upuan o kasing laki ng wala na kayong makain. Nan dyan at nan dyan yan. Sabihin na lang natin na lahat tayo ay kolektor nito. Kung hindi mo ito hobby, hindi ka tao.

-          Kolektor tayo nito kasi pwede natin balikan. Alalahanin. Iyakan. At isipin natin paano natin ito nalampasan.

-          Bilang kolektor, ayaw natin mamigay. Ayaw natin ng may taong may kapareho. Kaya  bigyan mo ng  pabor ang sarili mo. Kung meron ka ng problemang ito, anu pa hinihintay mo? Pigilan mo na ang kaibigan mo. Baka mag-pareho pa kayo. Hayaan mo siyang gumawa ng unique niyang pagkakamali. Kesa naman pareho kayo ng pagkakamali… Like duh… that is so main stream.

6.       Baliktarin mo man ang mundo, sa pamilya mo ka pa rin uuwi.

-          Hindi ito applicable sa sirang pamilya.

-          Hindi mahirap para sa akin ang makahanap ng kaibigan. Lahat naman tayo meron nun. Kung wala ka, message me…  Pero meron pa bang makakaintindi sayo bukod sa pamilya mo? Wala na ata.

-          Kung may sarili ka ng pamilya. O anak mo lang ang buhay mo ngayon… Kahit isang taon pa lang yan… at hindi pa nag-babasa ng FHM o hindi pa kinikilig kay John Lloyd  eh naiintindihan ka niyan. Believe me…  Hindi ka mapapangiti pagkasama mo sila kung hindi mo alam ang tinutukoy ko.

7.       Hindi tama ang mag-reak ka lang. Dapat i-ak mo.

-          [Disclaimer. Hindi ito akin. Hi Miss S!]

-          Idadag-dag ko rin eh, bago ka mag-reak… kung un lang talaga magagawa mo… paulit-ulit mo munang isipin… o tanungin mo muna ang “Bakit”. Baka kasi bago mo tanungin kung bakit sila nagpakasal, eh nag-reak ka na agad na buntis ang babae… Tsk tsk tsk.

8.       Importante ang Solitude.

-          Hindi lahat ng oras kailangan mo ng payo.

-          Hindi sa lahat ng oras kailangan mo ng cr buddy unless may nag-mumulto sa opis ninyo. Dun ako bilib sa mga lalaki. Walang yaya-yaya… basta naiihi… IIhi! Kahit sa pader!

-          Masarap mag-muni-muni masarap mag-baliktanaw. Masarap sarilinin ang problema. Paminsan-minsan. Bakit? Kasi minsan… kailangan mo rin marinig ang sarili mo bago ang iba. Pwera lang kung ang naririnig mo eh “Ipag-higanti mo ako… Tulungan mo akoooooh” hindi ikaw yan… tumakbo na… daliii… [But don’t forget your laptop!]

9.       Ang Diyos ay Diyos.

-          Minsan nakakainis yung ipag-dadasal mo ang isang bagay na hindi naman nagkatotoo. Ibahin sana natin ang pangarap sa hiling. May mga bagay na hindi niya binibigay agad, katulad ng lablyp. Pero siya yun eh. May dahilan ang bawat desisyon niya. Pag-bagsak man yan sa board  o ang pag-kamatay ng una mong anak, may rason yan. Mahirap man tanggapin… pero sa huli… malalaman mo rin…

-          May Diyos ka man o wala. Ang Diyos ay Diyos pa rin. Kung wala kang pinaniniwalaan bukod sa Science… walang problema. Respetuhin ko ang paniniwala mo. Pero baliktarin mo man ang mundo… There is always a greater force beyond our existence. Basta ako alam ko kung sinu yun sa buhay ko. Yun lang.

10.   Respeto.

-          Matuto tayo nito. Kung ayaw mong ma-chismis wag ka mang-intriga.

-          Kung ayaw mong masira…. Wag kang mang-sira.

-          Mahirap humingi ng respeto kung tinatapakan at tinatalikuran mo ang mga taong siya mismong hinihingan mo nito.

-          Libre kang gumawa ng foul. Pero mas mabuting ikaw ang may chance mag-free throw.

 

 
 
Current Location: Sa bahay
Current Mood: contemplative
Current Music: Concert ni Ogie :P
 
 
Meryl Stryfe
13 August 2008 @ 08:35 am
Hindi ko alam kung kailan eto pero grabe kasi sa sobrang addik na chat to ;)) wala kasi ako naintindihan sa pinagsasabi ng kausap ko... pero sige lang oo lang ng oo haay naku...

 
 
Meryl Stryfe
11 August 2008 @ 08:33 pm
Hindi nga seryosong tanong yan eh diba?

Kung iisipin mo pagtinanong sayo yan ng kaibigan mo, anu ang unang-unang papasok sa isip mo?

Ako, ito : "Paanu ko ba sasagutin ito?"

Mahirap naman kasi sumagot sa tanong na hindi mo naman hawak ang kasagutan.
Sadyang may mga pangit lang para sayo at may mga maganda naman para sa iba.

Beauty is in the eye of the beholder

Yan ang sagot ko sa tuwing titingin ako sa salamin. Kung para sa akin hindi ako maganda... baka sa mga bulag maganda na ako - un yun :))
Pero hindi bumabalot dito ang isyu na ikwe-kwento ko.

Ang mga nagpapaganda ang topic ko. Sa totoo lang matagal na rin akong nagpapasa-pasa sa mga dermatologist mula ng pumasok ako sa mundo ng pagtratrabaho.

Bago ako dumako sa tunay na dahilan ng post na ito ay eto muna ang sagot ko sa tanong sa taas:
"Syempre naman... wala namang ginawa ang Diyos na panget eh" - tama naman diba?

Hindi ko alam kung anu na ang rate ngayon, pero sa totoo lang, mas marami ngayon kesa sa dati. Kasi ngayon, open na ang tao sa mga ganyan. Sikat ka kung nagpatangos ka, nagpa-breast enlargement  etc. kasi proud kang sabihin na sawa na ako sa mukha ko at dibdib!

I want a change!

Kung sandamakmak din ang pera ko at wala ako magawa, eh gagawin ko rin yang mga ganyan... Hindi naman ako pinanganak na super ganda para mag-inarte na di ko gagawin ang mga bagay bagay na yan para lang mapansin ng mga kalalakihan- pero depende sa kalalakihan din syempre. (aba't namili pa ako no?)

Sabi ko nga sa isang luma kong post ay depende sa tao kung anu para sa kanya ang maganda at gwapo. Marami talaga tayong hindi naiintindihan sa mundo natin ngayon. Katulad ng mga babae/lalaking bukod sa bungi, mahaba ang buhok sa ilong at parang hindi naka-rinig ng salitang deodorant at pabango na may kasintahang kasing gwapo ni Brad Pitt o kasing ganda ni Neri Angelina Jolie (sobra ka binura ko na nga o!). O Katulad din ng mga babae/lalaking kasing gwapo at ganda na ubod ng itim naman ng budhi ay may matinong kasintahan.

PANGET KA! Ang sakit no?

Sabi nila sa dami ng pwede mong gawin para mai-salba ang sarili sa kahihiyan ng pagiging panget ay wala ka ng rason para maging panget.

Pero kung iisipin kailangan naten sa lipunan yan! (kailangan pala kami sa lipunan) kung wala kami... paanu na ang mga dermatologist? paano na ang mga plastic surgeon? marahil ay wala na silang pinagkakakitaan ngayon o merun man matumal.

Pero kahit man ma-wipe out ang lahi namin, may mga tao pa rin na hindi makukuntento sa mukha nila. Yun ay ang mga taong walang trip kung hindi magpaganda at ang mga taong may : BDD o ang Body Dysmorphic Disorder eto talaga mga walang magawa sa buhay.

Kahit na pinanganak akong pangit, hindi ko pa naman natry gawin sa sarili ko ang mga ginagawang extremes ng mga nakasaad dito. Minsan din naman nag-iimagine  ako na maganda ako o pag nauuto ako ng nanay ko eh medyo gumaganda ang araw ko...

Napanood ko dati pa... sa Oprah na mga guest nila eh sabik sa mga pagpapaganda:

Gumawa na rin ako ng  blog dito matagal na... sulat ko na lang ang excerpts:

Napanood ko sa tv kagabi ang operah… (oo nanonood ako nyan… marami kaya matututunan…) vanity ang pinaguusapan. Meron plang psychological disorder na over vanity noh?  Ang tawag dun ay : BODY DISMORPHIC DISORDER na kung saan eh, ang tingin mo sa sarili mo eh mukhang alien at kasuklam suklam. Grabe… ever ang isang babaeng na-interview… 28 years old na sya, ngunit naka 26 na “salamat po dok” na sya. Dami noh? Ilan sa mga pinagawa niya ay ang boobs niya (3 times siya nag-palaki WOW!), uhm nose job na ginaya nya ke Michael Jackson (at alam nyo bang hirap na siya huminga sa ilong nya eh okay lang? Hehehe… addik din sya noh?), buttocks at ung labi nya pinalawak nya…


Mag-balik tayo sa disorder na ito. BODY DYSMORPHIC DISORDER o ang BDD. May mga ininterview na tao, mga taong merong BDD, ngunit dahil di’ sila ganun kayaman katulad ng binanggit ko (na mukhang pangarap nya maging Barbie… at gawing plastic lahat ng parte ng katawan nya…), kaya ang ginagawa nila ay kasuklam suklam, yung isang girl na ininterview, di daw maharap sa mirror, dahil ang pangit daw ng nakikita nya. Nagtatanong sya minsan kung bakit me ginawa daw ang panginoon na “hideous creature”. Kakalungkot siya… kung live akong nanonood nun, siguro binato ko na ng sapatos yung girl. E ubod kaya siya ng ganda!!! Wla ngang problema sa kanya eh… anak ng camote yan… unggoy!!!! Hindi ang itsura mo… kundi ang iyong pagiisip. Me isa naman na guy, pangit daw sya, wla daw syang karapatan mabuhay sa mundo, nahihiya daw siya sa magulang niya at gusto niyang parati nakatingin sa salamin. Merong point daw sa buhay niya na 3 years siyang hindi umiinom ng kahit ano bukod sa tubig.  AT pati sa cereals niya eh… tubig ang nilalagay niya hindi gatas… (yak. Coco crunch na hinalo sa tubig… di ko maimagine… kakalungkot). Hay, nung nakita ko yung guy, kung hindi siya bakla… eh crush ko na siya… grabe kakalungkot ang mga ganitong tao.


Nag-karoon ng kasabihan na, wala na daw reason para maging panget. Kasi nga marami ng ways to be pretty and good-looking. Hay… mga tao talaga.

Why do people do this stuff, especially in the states?

Kaya marami ang nagiging anorexic and such eh. (hay… parang di ako nag-daan jan noh…hehehe…)


Be careful… you could be suffering from this type of disorder OR papunta ka na jan.  I mean, it’s okay to be vain, but don’t go telling other people that you’re ugly, just to make yourself feel better. Wag mo I-compare ang sarili mo sa mga binabasa mo, at wag kang magpa-impluwensya sa mga pinapanood mo. Lalo na sa mga model. Meron  kang taglay nakagandahan na ang tanging nakakakita lang ay ang Diyos at mga taong tunay na nag-mamahal sayo. Wag ka mainggit, kasi yan ka. At me rason kung bakit ka ganyan. Don’t down yourself too much. But accept the facts. Cool ka lang.

(TEKA… ANG INIT WAIT…)

Me mga napanood ako na me BDD rin sila at eto mga sinasabi nila:

  1. “I’m so ugly, I have so many pimples and I can’t help but prick them… so I tried to stop by decapitating my fingers.”  - O ha? Kaya nyo yun? Ako hindi!!!
  2. “My son, always tells me that his skin is so uneven and has pimples and scars, but all we can see is that his face is flawless!!! He always looks himself in the mirror and washes down his face with alcohol and washes and rubs his face until it gets red.” – o ha, antaray, facial wash niya alcohol… my goodness.
  3. “ I hate my nose, its too big and it’s so irritating, so I did myself a favor and had a “self-surgery” I cut the sides of my nose to make it small” – grabe din to noh? Eto lang masasabi ko. Cute ang ilong ko. At kuntento ako tenk you.
  4. “I hate my hair. If my hair doesn’t look good after taking a bath, I will take a bath several times until it looks right. I even wash my hair 7 to 10 times a day.” – hehehe… babatukan ako ng nanay ko kung ako yan… AKSAYA ka sa syampu.
  5. “I hate myself, because I’m so hideous I look like a monster…  I tried to commit suicide several times already.” – grabe… ang babaw noh?

Bukod jan eh wala na akong maalala. Hindi ko alam. Siguro nga. Kaya me ganyan ng disorder dahil wala ng rason para maging pangit ka.. ang bottom line niyan money is still the root of all evil. Kasi kelangan mo niyan para gumanda… teka… root of all evil din kaya ang modern technology? (sagutin mo yan ha…)

I read sa paboritong libro ni hudas ni bob ong  ito: (this scene is a conversation between Jesus and Bob… ang kyut…hehe must read po yun… grabe… kaya try nyo basahin ha..)

* <’> yan si bob ong… o… ikaw… hehehe… di mo maiintindihan kung di mo pa nabasa…

* <^^> yan si Christ

<’> Bakit gusting gusto mo nag-hihrap ang  mga nilikha mo?

<^^> Stop light ba ako para sisihin sa mga traffic nyo? Hindi ako tigyawat, kabag, dengue, pigsa, bulutong tubig, cholera, galis, singaw. Balakubak, pagtatae, tulok, almoranas, alipunga,impatso,tigdas, rayuma, balisawsaw, tetano, luga, kulani, baktol, pulmonya, mantsa sa damit, o maingay na kapit-bahay. Ikaw ang gumagawa non sa sarili mo, hindi ako.

Hehehe… mukha siyang comedy noh? Pero hindi. Totoo naman eh… kaya wag nyong tanungin ang Diyos kung bakit nilikha ang isang pangit na katulad mo. Dahil lahat ng ginawa niya maganda… pinapapangit lang naten.

Hay… ang haba nito ah…

“neriza? Kung ikaw… anu ipapabago mo?”

“Ako? Wla… ang gusto ko lang eh.. . magpatanggal ng tigyawat at taba. Kaso masarap mag-puyat at magbabad sa araw eh. Sarap din kumain, kaya siguro wag na lang… sapat na toh’… marami naman nagmamahal sa akin eh… bwahahahahahaha…”

kakalungkot diba? Ikaw? Vain ka ba? Or BDD  na yan?

Uhm.. fact lang… ang pimples ay hereditary. Kaya bago mo sisihin ang pinaka-mamahal kong mga tsokalate at ang boyprend kong pizza eh mag-isip isip ka!!!!!!

At kung nag-tataka kung bakit me payat at ikaw eh mataba, hereditary din yan… me mga sadyang bilugan, chubby at cute… katulad ko… hehe…


Sa totoo lang, nakakahiya naman talagang itanong sa ibang tao kung maganda o panget ka eh... natural din na mag-sinungaling sila para lang gumanda araw mo.

Katulad ng sinabi ko, marami kasing mga kagandahan na hindi uubra sa ibang lalaki at may mga kapangitan na sadyang kagandahan sa ibang mga lalaki... pareho din sa mga kababaihan.

Wala lang... kaya ko to naisip dahil, may nakita akong dalawang derma technician na naguusap sa elevator  at pinaguusapan nila ang nakakadiring experience nila sa isang customer  na kahit "daw" maayos nila ang mukha ay wala pa rin daw pag-asa... dahil... sirang sira na daw... haaay mga tao nga naman...

Ayun lang... Opinyon ko lang naman ito :P
 
 
Meryl Stryfe
19 July 2008 @ 12:42 pm
Alam ninyo ba ang essence ng friendship?
Eh essence alam ninyo ba?

Hehe ako di ko alam...

Lately nahumaling ako manood ng f.r.i.e.n.d.s.

At naiisip ko...

Nakakainggit naman na may ganyan silang samahan.
-Pantay pantay silang lahat.
-Walang O.P.
-Walang sapawan
-Walang halong ka-plastikan
-May payabangan man, libre kang mambara
-Pakiramdaman kayo, alam ninyo kung may problema ang isa't-isa (at kung sinu ang nagkakamabutihan na hehehe)

Nagkausap kami ng isang kaibigan sa telepono. Nahirit niya sa akin ito:

"Kung ayaw mo makinig sa problema ng iba, ayaw mong ma-obliga na nan dyan ka pagkailangan ka niya o kahit hindi, ayaw mong makisalo sa drama niya, pwes. Wag kang makipagkaibigan Noh!"

Yan na lang ang ilalagay ko kasi masyado siyang pranka.

Isa sa mga importante sa pakikipag-kaibigan ay ang pagtago ng sikreto.

Kailan pa ba pwede mong itago sa iba ang sikreto ng kaibigan mo?

Para sa akin, kung ang sikreto ng kaibigan mo ay mahaba ang buhok niya sa kili-kili, kumakain siya ng buhangin o obsession niyang suminghot ng rugby eh ikaw na ang mag-pasya. Pero para sa akin kung ganyan man ang kaibigan ko... Hindi ba dapat ikaw na mismo ang maging daan bago pa malaman ng mga tao na ganyan ang kaibigan mo. Pwede mo siyang ipa-wax, ilayo sa buhangin o ipa-rehab.

That is what friends are for!

Kung ang sikreto naman niya ay pumatay siya, nang-rape, bakla siya o ampun lang siya. Sus minor lang naman yung dalawang unang nabanggit kung buhay mo na ang nakasalalay dun... itago mo na lang muna hanggat hindi ka pa nakakakuha ng witness protection program.
Kung bakla man yang kaibigan mo, maging honored ka at isa ka sa mga napagsabihan niya. Especially kung kaka-realize lang niya na bakla siya... Marami na akong mga kaibigan na nasa closet pa hanggang ngayon. Kahit kailan wala pa akong napagsasabihan sa iba... unless  pwede na. Kasi minsan, kung makiki-sawsaw ka pa sa diskarte niya... baka gumulo pa.
Kung ampon man ang kaibigan mo, bigyan mo siya ng dahilan para mabuhay, sabihin mong ampon ka rin hehehehe. Hindi, lalo mo ipadama sa kanya na kahit ganun siya ay mahal pa rin siya ng magulang niya... at syempre hindi mo siya iiwan... (uuuy).

Dumako naman tayo sa elemento ng pag-ibig. Ang sikreto ng mga sikreto. At ang paborito ng mga chismosa.

Klaro ko lang, hindi na ako magpapaka-inosente... Aminado naman ako na chismosa ako... Pero one way lang. Pag-sinabi sa akin... Wala lang. Atleast alam ko. Hindi ko na kailangan i-broadcast sa the buzz yun. Basta may alam ako. At mula dun alam ko kung paanu pakikitunguhan ang mga tao

Halimbawa na lang ng mga elemento ng pag-ibig ay ang pag-kakaroon ng crush ng kaibigan mo sa isang tao. Alam mo sa sarili mo na mukha rin naman na may gusto sa kanya yung nagugustuhan niya.. pero sasabihin mo ba? Gagawa ka ba ng paraan?!

Aba! Syempre HINDI! hehehehe. Aagawan mo lang ang sarili mo ng matalik na kaibigan hehehehehe.

Joke lang. Kasiyahan ng kaibigan mo ang nakasalalay dito wag ka ng mag-inarte jan. Bigyan mo naman siya ng pagkakataon na sumaya.

Kung ang sikreto naman niya ay nakiki-apid siya sa may asawa, may bf/gf na o may anak na... Yan... yan ang masarap ipag-kalat diba?! hehehe Biro lang. Yan ay isang delikadong sikreto. Wag na wag kang gagawa ng hakbang na alam mong delikado. Para yang friendster  maraming connections. Maraming masasaktan. Kung kaibigan mo ay ganito.. madali lang yan... pag-sabihan mo. Kung ayaw pa rin, iuntog mo na lang sa pader. O di kaya isa-isahin mo ang mga problemang pinapasok niya. Kung wala pa rin, be supportive. Yun na lang. Pero wag kang makikigulo. Dahil the truth shall always prevail. Mag-ingat ka na lang kung gagawin kang look-out ng kaibigan mo. Baka magulat ka na lang, nasa Bitag ka na pala.... hehehehehe.


Pero matanong nga natin. Kailan at sinu ba ang tamang pagsabihan ng sikreto?

Oo syempre kaibigan mo. Pero ang tanong kaibigan ba talaga yan? Hmm?
Marami ka naman pwede pagpilian. Pero eto lang
Piliin mo yung tried and tested na.
Yung tipo na halimbawa na lang na natae ka o anu mang kadiri na nangyari sayo eh... susuportahan ka pa rin... (pero di natin maiiwasang pagtawanan ka syempre) at itatago niya ito.
Yung tipo na nakikiramdam siya. Alam niya kung maselan ang issue at alam  niya na kung kinakailangan ay kailangan na niyang ipag-tapat sa iba ang sikreto ninyo... o kailangan na niya sabihin sa the buzz  para mapag-usapan ka.

Kung tutuusin marami naman tayong makikitang kaibigan sa katauhan ng kamag-anak, schoolmate o officemate. Pero maging alerto lamang kung sila ba ay totoo o hindi.

Pero nasa sa inyo naman yun. Ang sikreto ay sikreto mananatili yang sikreto batay sa dami ng pagsasabihan mo. At batay sa mga taong pag-sasabihan niya.

Diba?

Ang saya ng parang mala-f.r.i.e.n.d.s ang samahan ninyo

Pero hindi kasi ganun. Pag-palagay na ninyo na sa samahan ninyo ay may mga plastik, may sariling mundo, mapag-mataas at kung anu-anu pa man. Isipin na ninyo lang na walang perpektong samahan at isa pa... kung hindi kayo magkakaibigan... bat pa kayo nagsama-sama diba?

Yun lang.. marami pa eh.. pero sa susunod na lang.
 
 
Current Location: Opis
Current Mood: churba
Current Music: Huni ng keyboard
 
 
Meryl Stryfe
16 July 2008 @ 04:00 pm
Eto walang halong kaseryosohan... puro kalandian lang...

Game.

Sinu nga ba si Gio?

Eto si Gio: Si Gio


Kung hindi kayo nagwagwapuhan sa kanya... then fine wa ako paki-alam.

Giovanni Rossi ang buong pangalan ng fictional character na ito. Oo. Mahal ko siya hehehe.

Freddy Rodriguez siya sa totoong buhay. Pero yun nga kay Gio ako umibig.

Ang angas kasi eh! inuulit ko hindi ka-gwapuhan, medyo maliit pero ang angas talaga. Malupit pa sa tsiks. At akalain mong kay Betty pa nag-kagusto!
Ang maganda kasi sa kanya, witty kausap. Ang kulit ng interaction nila ni Betty at sobrang sweet niya (sabi ko sa inyo malandi tong post na to eh)
Bakit ko siya minahal? Kasi hindi siya boring, nerdy at taken (based in the series ahem!).
Kung susumahin mo ang katangian niya medyo may mga ilang di ko gusto (e.g. malandi, babaero), pero mahal ko siya hehehe.
Simple lang naman kasi siya. Medyo maharot nga lang.

Tsaka medyo anu malaki tyan. Hehe.. pero mahal ko siya (Inuulit ko lang)

Kaya ko siya maha ay dahil mahal niya si Betty. As in mahal niya. Hehehe

Considering na mas maraming mas maganda kay Betty eh si Betty pa rin ang mahal niya :P

Yun lang nagustuhan ko sa kanya.

He passed the issue of Betty being.... not physically perfect and fell for her character. For me, it is very rare (now) to find a guy that gives a damn for a very ordinary girl that you hardly get to notice (or you can notice but in a... not positive type of notice.. or something). I admire these type of (good-looking <for me>) guys... wala lang  I just admire them..hehehehehe


Anyways, hanggang dito na lang... wala na ako maisip :P
 
 
Current Location: Opis
Current Music: She's no you........
 
 
Meryl Stryfe
06 July 2008 @ 12:19 am

Masama ang loob?

 

Siguro.

 

Naguguluhan? Nalilito?

 

Malamang.

 

Takot?

 

Sobra.

 

Pressured?

 

Syempre.

 

 

Alam mo ba yung pakiramdam ng mangga? Yung mangga na pinag-pipilitan nilang mahinog… Kahit alam naman nila na pag-pinilit ang hindi pa pwede… tsak. Hindi nila makukuha yung tamang tamis nito.

 

Akala nila hinog na. Tinikman.

 

Hindi Matamis. Hindi rin maasim.

 

Pangit ang lasa. Masagwa.

 

Anu pa ba gagawin nila? Syempre itapon na lang diba?

 

 

Sinu ang may kasalanan?

 

Ang tinderang ipinipilit sa mamimili na matamis ito?

 

Ang mamimili na bumili nito?

 

O ang pumitas ng kawawang mangga?

 

O ang mangga mismo?

 

 

Alin nga ba sa kanila? Nakakalungkot... ang gulo diba?

 

Sa totoo lang wala naman dapat sisihin.

 

Maaring ang pumitas… wala ng mapitas.

 

Ang tindera… gusto ng buena mano o gusto ng umuwi...

 

Ang mamimili… nagmamadali o… masyadong nag-tiwala.

 

Ang mangga? Kawawang mangga… wala ng magawa.

 

Sa buhay natin... naranasan mo na ba maging mangga?

 

Malamang lahat tayo naranasan na to.

 

Masaya ka… isa ka sa mga napitas.

Masaya ka... kasi kahit na alam mo na hindi pa tama ang hinog mo o hindi pa sapat na pitasin ka ay napili ka na ibenta.

Masaya ka... kasi isa ka sa mga pinagmamalaki ng tindera. Kahit na alam mo sa sarili mo na wala ka pang ipagmamalaki. Ni hindi mo pa kaya na patunayan na hinog ka pa. Kasi alam mo sa sarili mo na marami pang panahon bago ka mahinog at ibenta.

Masaya ka... kahit na alam mo kaya ka lang pinagmamalaki... kasi onti na lang ang paninda...

 

At bilang mangga? Pagbubutihan mo. Susuugin mo ang kaya mong suugin. Pipilitin mong mahinog kahit na alam mo sa sarili mo na hindi mo kayang ipilit na mahinog ka.

Dahil, alam mo sa sarili mo na ikaw rin ang makikinabang sa pag-hinog mo. [Ang daming hinog nun ah!]

 

Bilang mangga, wala kang alam sa mga nangyayari. Hindi mo masisi ang mga taong nakapalibot sayo. At muli bilang mangga... sisikapin mong hindi mapahiya ang pumitas at ang tindera. At matuwa ang mamimili.

 

 

Pero paanu kung hindi mo pala talaga kaya? Paanu kung... nagtapat ka na hinda ka pa hinog? O mas malala pa. Nalaman ng mamimili na mukha kalang hinog... hindi pa pala.

 

Huli na para antayin pang mahinog ka. Nabalatan ka na eh.

 

 

Hmmm... paanu na ang mangga? Paanu ka na?

 

 

Walang sisihan diba?

 

Bilang pumipitas? Naniniwala  ka  kasing matamis yang mangga

Bilang tindera. Wala kang rin magawa. Andyan na. Ibenta mo na.

Bilang mamimili... May tiwala ka na. Suki mo yan eh.

Bilang mangga. Andyan ka na. Ipagmalaki mo ang meron ka.

 

Pero, kung iisipin iba tayo sa mangga. Unang una sa lahat...Tao tayo.

Kaya bilang tao...

 

Pwede ka bang humindi?

Pwede mo bang sabihin na “SANDALI lang naman! Nakita mong pahinog pa lang eh!”

Pwede ka bang mangatuwiran?

Pwede ka bang manapak?

Pwede mo bang ipakita na mali ang desisyon nila?

 

Sagot dyan? Lahat ay hindi.

Hindi kasi hindi mo hawak ang desisyon.

Hindi kasi papasok kaagad sa isip mo ang mga sinusuportahan mo (kung meron man)

Hindi kasi tungkulin mo yan

Hindi kasi kulong ka.

Hindi kasi parati silang tama (sa paningin nila)

 

Pero...

 

Pwede kang humingi ng tulong

Pwede mong pagbutihan

Pwede mong hindi tularan

Pwede mong tularan

Pwede kang makinig

 

Humingi ka ng tulong sa mga taong nakakaalam. Sa mga taong alam mong hindi lang nagbubuhat ng sarili nilang bangko. Sa mga taong, hindi nagyayabang at handa ka tulungan sa abot ng kanilang makakaya. Hindi sa mga taong, mayayabang, maraming ngang alam pero madamot sa kaalaman o sa mga taong nagpapanggap na tutulong sayo… pero hanggang salita lamang.

 

OO libre tayong pagbutihan ang ating ginagawa. Libre tayong mangarap na kaya natin kahit hindi. Pero isang tanong lang… pwede kayang magkamali? Pwede kayang “mag-sorry”? Aba’t pwede! Pero syempre hindi mawawala ang sermon.

 

Syempre mamili ka ng tutularan. Tularan mo ang mga taong katulad tulad. Sila yung mga taong mahaba man mag-sermon pero may laman. Marunong mag-turo. Hindi puro salita. Marunong umintindi. Tularan mo yung mga taong naging mangga din… at ngayon puno na diba?

 

Ayun uulitin ko lang mamili ka ng tutularan. Kung naging mangga din siya... maraming alam... magaling, pero kung magmalaki naman sa sarili eh liliparin ka sa sobrang hangin... Pag-isipan mo muna... anu ba ang tutularan mo sa kanya? Ang pagiging mayabang niya? Pagiging magaling niya? O pareho?  Ikaw na ang magdesisyon.

 

Libre din tayo makinig. Sabi nga nila mabuti ng makinig ka at makinig at makinig. Kaysa salita ka ng salita… o “dak-dak” ka ng paulit ulit… eh wala namang saysay. Walang nararating ang mga tiga-kinig mo. Makinig ka. Kasi dyan mo malalaman kung sinu ang dapat mong tularan at kung sino ang nagyayabang lang. Minsan maiisip mo... ang mga taong nakikinig sila ang magagaling.

 

Bilang mangga, hindi ka pwedeng pumili ng tindera. Hindi ka pwedeng umilag sa pag-pitas. Hindi ka pwede mag-tago sa mga mamimili.

 

Pero. Bilang mangga, nasa sayo ang desisyon. Kung nabalatan ka na ng maaga, may buto ka pa. Nasa sayo yun... kung gusto mong maging puno. Kung pinapahinog ka man nila... pilit man o hindi andyan ka na... galingan mo. Diba?

 

 

Masama pa loob?

 

Medyo ok na.

 

Naguguluhan? Nalilito?

 

OO pa rin.

 

Takot?

 

Sobra. Parati.

 

Pressured?

 

Syempre. Araw-araw.

 

Kaya pa?

 

Kailangan kayanin eh.

 

Inis pa?

 

Sa mga nagmamayabang… na wala naman naiitutulong… OO.

 

Naiintindihan na ba?

 

Sila? Medyo-medyo.

 

Mainit pa ulo?

 

Di na...

Masaya pa?

 

OO naman. Buhay pa. May pag-asa.

 

 

May baluktot na sistema. May mga ilang di –ayon sa baluktot na sistema. Gusto nilang baguhin ito. Gusto nilang ituwid. Ang mga ilan na ito  ay ngayong nasa tamang posisyon para gumawa ng paraan. Pero sumunod lamang sa kurbang sitwasyon. Natuwid na nila dapat… pero baluktot pa rin. Bakit kaya?

 

Wala silang paki.

Nakikinabang na sila.

Wala silang magawa – eto ang pilit na pinaniniwalaan sa ngayon. Sana ito nga ang rason.

 

Pwede mag-karoon ng pag-babago. Mag-simula tayo bilang mangga.

 

Salamat sa mga kaibigang tiga-kinig. Salamat sa  mga puno na aking tinutularan.

Kilala na ninyo kung sinu kayo.

 
 
Current Location: bahay
Current Mood: scared
Current Music: huni ng electric fan
 
 
Meryl Stryfe
26 May 2008 @ 05:32 pm
Inay: Nak, lingon ka sa likod may gwapo.
Ako: San? Yun? Ang panget naman Mi eh.. yaaak
-----

Inay: Ang bata ng asawa niya, palagay ko chika-bebes niya yun
Ako: Asan? To' naman, malay mo anak niya
Inay: Naku, naman, tignan mo nga kung makipag-subuan parang asa bahay lang sila at walang nakikita


----

Ako: Bading yung katabi naten kanina.
Inay: Ows? Panu mo na sabi? Sayang gwapo pa naman.
Ako: Haller di tayo napansin... ang ganda-ganda naten eh... hehehehe
Inay: Hehehe

----

Kung iisipin ko lahat ng mga pinaguusapan namin ni Inay tuwing magkasama kami, ay baka malula kayo sa sobrang dami. Marami na rin nag-sabi na ok si inay o astig ang relasyon namin ni Inay. Pero sa totoo lang alam naman naten na walang perpektong relasyon. O hindi matatawag na relasyon ang isang relasyon kung hindi nag-aaway ang mga taong napapaloob sa relasyon na ito. (Ilang relasyon yun)

Madalas na pinagaawayan namin ni Inay ay ang mga sumusunod:

1. Kuro-kuro - In-short  tsismis. OO! yung mga sinasabi, nababasa o napapanood namin kung saan. Minsan kasi biglang may maalala si Inay ukol sa mga bagay bagay na ipagpipilitan kong mali ang naiisip niya. Madalas kaming nagkaka-sigalot diyan. And tie-breaker  namin dati ay si kuya. Minsan napapatunayan kong tama ako gamit si lolo google at minsan naman sadyang mali lang ang naaalala ko.

2. Burara ka talaga - Yan ang bungad ni Inay pag may hinahanap akong bagay. Ilan sa minsan na naming hinanap ay cellphone charger, paborito kong panyo, susi, maliit na wallet, cd, diskette at lately lang ay ang regalo ni special someone (na di na special ngayon). Madalas kasing gawain ni inyong lingkod ay bihis tapos kain tapos tulog. (minsan may paghuhugas ng platong nagaganap pero minsanan lang yun)

3. Banyo - Tuwing sabado at linggo, mga 2 hanggang 3 oras ako sa banyo... hindi sa tagal ng paliligo ang pagaaway. Yun ay ang pagkanta ko habang nasa banyo. Natatapos daw kasi ang ASAP ng di man lang niya naririnig ang kanta ng pinapanood niya dahil sa ingay ko. Sabi ko madaling solusyon jan ay lakasan ang volume. Diba? pero kasi nakakahiya sa kapitbahay

4. HULI ka!  Moments - for eksampol:

Inay: Sinu yang kausap mo?
Ako: Wala Mi, si Amor lang
<Makalipas ang ilang minuto>
<Biglang I-speaker phone ni Inay ang telepono>
Inay: Kailan pa naging boses lalaki si Amor? Ha? Aber?

-----

Inay: Kamusta yung movie na pinanood ninyo nila Anne?
Ako: Ok lang.
.
..
...
Inay: Nanood daw kayo ng movie ah. Nakakatawa daw... makabili nga ng DVD dun. Anu ulit pamagat?
Anne: Ano pong movie?

-----

Inay: O, bat ka niya binigyan ng chocolates?
Ako: Ah, wala mayaman talaga yan... lahat kami binigyan.
Inay: Ah. Nanliligaw ba sayo  si M********************?
Ako: Nge nu ka ba Mi, bakla yun eh!
Inay: Ah, eh anu tong nakasulat dito sa ilalim? "Hello Ren-ren, "8"  -
M********************"
Inay: Anu yung 8? 8 ka niya tatawagan ganun?
Ako: Hindi, mag-tira daw ako ng 8 para sa inyo. He he he.

<Tumaas ang kilay ni Inay>

------

Karamihan ng away namin ganyan lang mga hindi seryoso. Pero meron din kaming pang maalala ala mo kaya na mga pagaaway na hindi ko na dito sasabihin dahil pribado na siya.

Sa totoo lang, wala na ako hahanapin pa sa aking Inay/Mommy/Mumski/Mumskiko/Mi/Chorvaluu/Addik.

Siya ang perpektong Ina...

Ginawa ng Diyos para sa akin :)

Marami ng napag-daanang unos si Inay. Bilib ako jan kasi, kahit na wala man kami mabiling luho ni kuya eh parating meron kaming maipapakitang resibo upang makapag-eksam ng malaya sa finals.

Marami siyang sakripisyo sa amin. Kaya talagang minsan nakaka-konsensya pag nakikipag-away ka at nasasaktan mo siya parang may maririnig kang "Anak" sa background habang nagmumuni muni ka sa ginawa mo... lalo na yung part na "Nagsisi ka sa isip mong nalaman mong... ikaw nagkamaliiiiiii" Sa mga sigalot namin ni Inay, at sa panahong nagdaan, unti unti ka na rin matututo at mag-mamature sa buhay mo. Dun mo malalaman na kahit marami ka ng alam sa buhay, mas marami pa rin si Inay na alam kesa sayo.


Kaya eto lang masasabi ko:

Sa mga Nanay na nakapagpalaki ng anak, naigapang sa pag-tatapos nito sa kolehiyo, naka-ipon at ikinasal ito sa nabuntis nito, nakapag-hanap ng irereto sa anak niya, naging spoiled  grandmother  at isa sa mga maitatawag na "ang ganda ng lola mo"....

Saludo ako sa inyo!

Sa mga nanay na binugbog, nakatikim ng pang-aabuso sa asawa o nalamang bading ang mga asawa nila. Ngunit nagawang mapag-tapos ang mga anak, mag-sikap magisa, Nagsumikap at nagtiis para sa kanilang mga anak... Saludo ako sa inyo!

Sa mga nanay na binigyan ng pagsubok ng Diyos, pag-kakaroon ng sakit, pag-kakamatay ng mga anak nila, pag-kawala ng mga asawa nila, pag-kawala ng anak mula sa kanilang sinapupunan. Saludo ako sa inyo! Dahil sa mahabang pasensya at sa hindi pag-suko sa buhay. Hindi man naranasan ng mga ina sa huling nabangging at pag-aala sa anak at mag-paaral nito. sapat ng tawagin kang ina dahil sa iyong masidhing pag-aalaga sa inyo kalusugan para lang makalig-tas ang nilalang sa iyong sinapupunan.

Sa mga nanay, na imga nabuntis ng maaga at walang asawang makakasama sa pag-gawa ng pamilya, Saludo ako sa inyo! Kayo ang mga tipo ng taong dapat tularan. Nakaya ninyo na buhayin ng 9 na buwan ang bata sa inyong sinapupunan at hindi tumakas at magdesisyong ipalalaglag ang bata. Saludo ako sa inyo! Mataas ang respeto ko sa inyo dahil alam ninyo ang hirap na kasama ng pagpapalaki ng bata mag-isa pero di kayo nagdalawang isip at pinalaki ang bata.

Sa lahat ng Inay ngayon at sa mga ama, na ginagampanan ang tungkulin nila bilang ina o lang ng tahanan.

Saludo ako sa inyo!
Tags:
 
 
Meryl Stryfe
11 May 2008 @ 02:39 am
Alam ninyo ba yung feeling  na minsan, gusto mong mag-tago ng sikreto? Yung tipo na gusto mo lang na ikaw lang ang nakaka-alam?

Katulad na lang ng pag-nakakabasag ka ng plato habang nag-huhugas...
Maihi ka sa kama...
Masira ang favorite lipstick niya...
Mag ka-crush  sa classmate mo nung kindergarten...
May alaga kang hermit crab na tinatago mo ng matagal...
Kumain ka ng patago at hindi nag-toothbrush...
Bigyan ng pagkain ang mga ipis...
Mga vandal sa sahig gamit ang nail polish
Maka-basag ng mga mamahaling vase...
Manapak ng grade 1 classmate...

ilan lang ito sa mga nais mong itago... nung bata ka pa...
Taka siguro kayo... sikret pala ito... bakit naka-blog no? Kasi wala na ako paki eh...alam na niya yan...

Katulad na lang ng pag-nakakabasag ka ng plato habang nag-huhugas...
    - Nakita sa basurahan ang basag na plato
Maihi ka sa kama...
    - Basa ang kama at umiiyak habang nakatingin sa kanya.
Masira ang favorite lipstick niya...
    - May mantsa ng lipstick ang sando. Maraming tissue  sa basurahan na puro lipstick.. pati ngipin may lipstick.
Mag ka-crush  sa classmate mo nung kindergarten...
    -
Sa class picture may korteng puso na nakabilog sa nagugustuhan.
May alaga kang kermit crab na tinatago mo ng matagal...
    -Found carcass inside closet.
Kumain ka ng patago at hindi nag-toothbrush...
    -Ubos ang tsokolate sa ref. Pag-gising sa umaga... huli ang wrapper sa bulsa.
Bigyan ng pagkain ang mga ipis...
    - Sinu ba naman ang baliw na magpapakain ng kisses sa ipis? At sinu ba sa bahay ang nangongolekta ng kisses sa tahanan na nakalagay pa sa bote ng cough syrup?
Mga vandal sa sahig gamit ang nail polish
    -
May shade ng dark red ang kuko sa paa.
Maka-basag ng mga mamahaling vase...
    - Napautot sa takot ng biglang tanungin.
Manapak ng grade 1 classmate...
    -
Tumawag si titser. Ayaw pumayag na ang kapati ang humarap.

Araw ni inay ngayon. May gusto ka ba sabihin sa kanya?

Ako merun pero sa telepono na lang. Pero dito... ipagyayabang ko siya he.he.he.

Matagal tagal na rin ang panahon ng pinanganak ako <like duh> naalala ko dati ng nag-aayos na kami para makalipat ng bahay. Pinakita sa akin ni inay ang mga bills, certificate at litrato ng pinanganak ako. Nagastos lang nila ni itay ay mahigit 30,000 pesos lang. Halaga lang ako ng bagong model ng cellphone dati. He.he.he

Hindi man umire si inay ng pinanganak kami, naranasan naman niya biyakin ang tiyan, tanggalin ang lamang loob niya, ilabas kami at muling isara ang tiyan niya. Dahil dun kung may pagkakataon man, hindi na siya pwede mag anak ayun kay doc. Sakitin ang inyong lingkod nung bata. Boarding house na nga namin ang ospital nun dahil sa asthma ko.

Konting alikabok lang nahihirapan na ako huminga. Ang galing lang nun ay tuwing umaalis kami, bago umuwi... dadaan na kami kay doc... susunod nun... asthma na ako nun.

Lupet ni inay noh?

Ng nag-aral ang inyong lingkod, bihira lang na hindi makatikim ng palo o di man lang umiyak. Nung mga panahon na yun, hirap magsulat ang inyong lingkod ng letrang "y" at letrang "k". Butas na ang yellow paper tuloy pa rin ang sulat. Ng matapos ang hirap na yun, may champoradong reward pag-katapos. Terno ang damit parati pag-lumalabas. Naka-gown o palda ako pag-aatend ng birthday party. Kung iisipin ko yan ngayon... parang ngayon ata eh barubal na ako magdamit... Binigyan niya ako ng pangarap sa buhay. Pinag-masdan ko siya habang nag-lalaba... Gusto kong maging labandera!! Wuhu!

Lupet ni inay noh?

 
 
Meryl Stryfe
13 April 2008 @ 11:08 pm
Limang araw na ang nakakalipas.

Limang araw na akong nangungulila sa bansang kinalakihan.

Masaya naman ako dito sa Japan. Mahirap nga lang makatulog sa gabi.

At hindi naiiba ang gabi na ito.

Sumilip ako sa orasan... twelb na. gising pa den ako.

Hindi nga ba naiiba ang gabi na ito? O mayroon lang talagang bumabagabag sa isip ko?

*Hindi ko rin maintindihan...  pero umiiyak na ako...

Usual Sunday ito. Pero hindi ito kumpleto. Di kasi ako na kapag simba.

At dahil hindi ako makatulog... eto nagmuni-muni na lang ako ng isusulat ko. Wala kasing magawa eh. Alangan namang mangulangot na lang ako diba?

Excited ako at partly kinakabahan sa pagdating ko dito nung lunes. Di ko rin maintindihan sarili ko. Imbis na excited ako, nalulungkot ako nung nakarating ako dito.

Naiisip ko lang naman kasi yung mga naiwan ko sa Pinas. Wala kasi dito yung katabi ko sa pagtulog. Wala yung mortal at matalik kong kaibigan...

Wala yung ka-chismisan ko bago matulog.
Walang nag-aadik at biglang manunusok ng pwet

Andun siya ngayon kasi sa bahay. Na-mimiss din ako.

Pero alam ko naman na nag-iinarte lang ako. Like duh?!?! para naman akong ma-aasign ng matagal dito. Hindi naman diba?
Pero nandito na rin ako binigyan ako ng espesyal na misyon ng nanay ko.

Yung mission  na yun ang patunay na nakarating nga ako dito. At pangako ko... Gagawin ko yun.

Anu nga ba ang mission ko? Yun ay ang iligtas ang mundo.

At mag hanap ng gwapo.

.
..
...

Joke lang. Hindi yan ang mission ko... Hobby  ko lang yan habang nandito ako.

Pinapahanap ng aking nanay ang tatay ko. Tatay ko na mahigit 20 years ko nang hindi nakikita.

Naalala ko tuloy yung usap namin ng nanay ko bago ako umalis:

Nanay: Anak, hanapin mo tatay mo ah...
Ako: Sure, pero mi, paano kung may asawa na siya dun?
Nanay: Eh di maganda, atleast malaman lang naman natin na buhay at mabuti kalagayan niya...
Ako:  Paanu kung may ibang dahilan siya kaya di na siya uuwi?
Nanay: HA?!?! anung dahilan?
Ako: Paanu kung... di lang niya maiwan ang boylet niya?
Nanay: <natatawa>
Ako: Paanu kung meron na siyang matagumpay na parlor... At may kinakasama siya na nag-ngangalang Boyet?<gasps!!!>
Nanay: hehehe, edi maganda, hingi ka pera, hingi ka ng mga 10 lapad!
Ako: Pwede!

---

Ngayong Linggo:

Anak: Moshi moshi? ------san ha, irasshaimasuka
Itay: Hai, Dare desuka?

Dahil 10 yen lang, wala pang 2 mins, putol na. Di man lang ako nakapagpakilala

Tumawag ulit ang inyong lingkod.

Ring
Ring
Ring
---kinancel ang call-----

Magtatagpo din tayo... itaga mo yan sa bato...

At walang Boyet  ang hahadlang sa misyong ito...


*Si Boyet ay isang kathang isip lamang ng inyong lingkod. Sa mga lalaking/lalakweng nag-ngangalang Boyet... pasensya na... Hango lamang ito sa pangalang nabanggit ng isang kapwa kong bading sa dyip... Masaya kasi ang pakikipagusap niya dito sa kanyang cellphone. Naisip ko lang gamitin
 
 
Current Location: sa apato kow.
Current Mood: aaaaw depressed
Current Music: Hillsong music!
 
 
Meryl Stryfe
01 April 2008 @ 08:08 pm




Anu nga ba ang tipo ko? Ikaw? tayong lahat?

Isang lalaki na matangkad-chinito-moreno/maputi-medyo payat-may pinag-aralan-loyal-masipag-mabait-may pagkasuplado-masarap kasama

Yan. Yan lang naman hinihingi ko eh... napaka-simple diba?

Kaso wala akong makita. So panu ito? edi bawasan!

Isang lalaki na matangkad-chinito-moreno/maputi-medyo payat-may pinag-aralan-loyal-masipag-mabait-may pagkasuplado-masarap kasama

Ok na? Kaso wala pa rin akong makita... HALA bawasan!

Isang lalaki na matangkad-chinito-moreno/maputi-medyo payat-may pinag-aralan-loyal-masipag-mabait-may pagkasuplado-masarap kasama


Kaso wala pa rin... hanggang sa hahantong na:

Isang lalaki na matangkad-chinito-moreno/maputi-medyo payat-may pinag-aralan-loyal-masipag-mabait-may pagkasuplado-masarap kasama

Yan na lang hehehe pero matagal pa siguro na mangyari yan... siguro pag 50 na ako at wala pa rin akong nabubulag eh baka humantong na lang ako sa ganyan hehehehe

Pero sa pagiisip naten ng perfect leading man / perfect leading lady naten, sa tingin ninyo ba nakikita natin ito?

Kung hindi ninyo nababatid, halos lahat ng pelikula sa takilya ngayon ay halos ganun ang tema...

Si babae may tipo na lalaki... sa huli sa bestfriend din pala siya babagsak... na di ganun kagwapo eh ayun.. masaya naman siya. At sa huli di pa rin nasunod ang minsan niyang minithi

 ikaw na nanonood eh mapapahinga ng malalim at mag-iimagine ng sarili mong pelikula (Oo ganyan ako! <minsan> at wag na kayo magpakademure jan dahil alam kung ganyan ka rin! )

Kailangan ba tayo mag settle for less? Kung alam naman naten na we deserve the best?

Kung ganyan ang pagiisip nating lahat... wala lang... atleast nagkaka-sundo ang lahat ng tao sa aspetong ito... hehehe

Ganito kasi ang karaniwang cycle:

1. Si lalaki "lab" si babae, si babae di "trip" si lalaki...  may ibang "trip" si babae. Si babae close kay lalaki. Hindi umamin friends lang sila [period]
2. Si babae trip si lalaki, si lalaki di siya "trip". May nililigawang iba si lalaki. Humihingi ng pogi-pointers si lalaki kay babae si babae hindi umamin friends lang sila. [period]
3. Si lalaki nagtapat kay babae "lab" daw niya. Si babae di "trip" si lalaki. Nailang si babae. Hindi na sila friends [period]
4. Si babae nagtapat kay lalaki "lab" daw niya. Si lalaki di "trip" si babae. Nag-feeling si lalaki. Nainis si babae. Hindi na sila friends [period]
5. Si lalaki nagtapat kay babae "lab" daw niya. Si babae di siya "trip" nun. Nailang si babae. Narealize na "lab" din pala niya. May gf  na si            lalaki.Walang nagawa si babae nagpa-plastic surgery  na lang [period]
6. Si babae nagtapat kay lalaki "lab" daw niya. Si lalaki di siya "trip" anak/kapatid/lola lang ang tingin niya kay babae nun. Nailang si babae (sinampal pa si lalaki). Narealize ni lalaki na "lab" niya si babae. Hinabol sa airport di sila nagkita. Nakita niya ang anino. Sumigaw siya :

Dao Ming Su!!!!!

[period]

Hindi man kapanipaniwala ang mga huling nabanggit pero halos lahat ng storya ngayon ganyan ang cycle kung may idadagdag pa kayo. Sige lang edi may maidadagdag.


Ayun balik tayo sa topic.

Siguro sa tipo ko mga 10 hanggang 20 porsyento ng mga babae/bading nag-aagree sa tipo ko. So in-short marami akong mga karibal hehehe.

Usually  Parati naman kasi, ang mga tao sa panlabas na kaanyuan ang unang batayan.

Ako rin naman eh! ganun din ako. Pero minsan di rin yan ang magiging batayan kung magiging masaya ka.

Oo nga... nakuha mo ang tipo mo... trophy gf/bf, tapos mahal na mahal mo pa... AYOS!!! pero minsan haharap ka sa salamin.

Sasabihin mo sa sarili mo "Ang gwapo/ganda ko talaga... nakabingwit ako ng katulad niya... anu kaya nakita niya sa akin?"

Minsan, maganda ang magiging kasagutan sa tanung na yan, minsan ayaw mo lang tanggapin na yun ang sagot. At minsan matatakot ka kung sakaling ang salamin ang sumagot.

Kung papasok ka naman sa ganyang situasyon... at di mo matanggap ang sagot... papasok naman sa isip mo na...

Ang gwapo/maganda ay para sa kauri lang nila.

AHEM. Wag ismall-in ang sarili... may asim ka pa rin naman! At natanong ninyo na ba kung anu ang depinisyon ng panget??!!

Wala namang makakapagsabi kung anu talaga ang panget. Walang makakapagsabi dahil lahat ng tao ay pantay pantay.

Sadyang : Iba-iba lang depinisyon naten ng maganda/gwapo <hehe bumalik din>

Pero kung tatanungin ako. Kung karapat dapat ka para sa gusto mong tao eh why not? Patunayan mo sa kanyan yun pero wag mong idaan sa palakasan. Daanin mo sa pagiging simple, mapagkumbaba at  sa tunay mong ugali.

Higit sa lahat? wag pilitin ang ayaw.


Basta ako maganda ako... kahit sa paningin lang ng nanay ko... Kontento na ako dun.

Isang bagay lang... Kung mahilig kang pumuna ng tao siguraduhin mo lang na handa ka rin na punahin ng iba. Handa ka rin dapat masaktan kung sakaling mas doble sa ginagawa mo ang madama mo.

Katulad lang ng makita ng ibang tao na napapangitan sa iyo... So what? Baka tama lang sayo yun para naman bumaba muli ang mga paa mo sa lupa diba? At wag mong itatak sa utak mo na porket may nagsabi sayo na  panget ka eh panget ka nga. Sumagot ka... Sabihin mo mas panget siya hehehehe. Katulad din ng pag-sinabihan ka ng maganda/gwapo... Wag kang magmaganda at magpapogi jan... dahil di naten alam kung umuutang lang sa iyo yan o sadyang sip-sip lang.


Sa totoo lang (sa blog na ito) hindi naman ako ng pupuna ng tao. Naisip ko lang ito dahil wala akong magawa...

May siguro... 80 porsyento ng mga kakilala ko na napapangitan sa akin... pero di ko na iniinda yun... maganda pa rin ako sa 20 porsyento ng mga tao ( na kinabibilangan ng 16 to 18 porsyento ng kamag-anak ko). Malay naten pagkatapos ng torture at pagbabanta biglang magbago ang isip nila.

Ayoko sayo ang panget mo!

Ouch diba?

______, pasensya na... di kita kayang iganti. At di ako marunong gumanti. Eto na lang ang aking nagawa. Gwapo ka sa paningin ko. Ibang iba ang ugali mo sa ibang mga lalaki jan. Kaya nirerespeto kita. Mahal kita. Marami kaming nagmamahal sayo. Kung hindi, marami kaming hindi mo na friends [period] Wag kana gumanti. Hayaan mo na siya. Di niya kasalanan na hindi ka mahalin. Maghanap ka na lang iba.

Isa pa pala... bakit ka ba sa amin humihingi ng payo? May mga boyprend ba kami ha? ha? o kaya manliligaw? ha? ha? Ang sa akin lang,
siya yun eh, hindi naman lahat ng babae katulad ng mga taong kakilala mo. May mga hindi makakaintindi sayo at merong katulad namin *ahem..ahem* na kaibigan mo.
Proud ako sayo kasi kahit niloko ka niya ay hindi ka nagwala. Kahit na mahal na mahal mo siya di nag-dilim ang paningin mo at nan lalaki ka.  Ganito na lang! Mag-concentrate ka na lang sa anak mo... diba? diba?

Ke tanda tanda na eh... kumekerengkeng pa  peace tayo! hehe

Na-LSS tuloy ako sa EMO kanta mo... HAYUP ka. Hehe infairness maganda naman...

Kung di rin lang ikaw - True Faith
"Kung di rin lang ikaw... ayoko ng pumorma... para ano pa? mabigong muli? Wala ng halaga ang buhay ko.. sa mundo..."






 
 
 
 

Advertisement

Customize